IX

10 4 0
                                    

"Iiwan mo din lang"

Sadyang kay bilis ng panahon
hindi ko lubos maisip na tayo'y hahantong sa ganitong sitwasyon..
kay daming alaala ang nabaon, alaala ng kahapon na hindi na natin nagagawa ngayon..
nag umpisa tayo sa pagkakaibigan,
hindi natin alam kung hanggang saan ang patutunguhan..

Dumating ang araw na ako'y nahulog sayo..
Sa angkin mong kabutihan tuluyan akong nahulog..
Dumating ang araw ng tayo'y nagkita,
ang araw na aking pinakahinihintay.. ang araw na nakita ko ang iyong ngiti kung paano sumilay..

Oh, mahal, ako'y nabihag mo..
napukaw ang aking damdamin sa aking nakita,
kay perpekto ng iyong mga mata,
ang labi mong may matamis na ngiti ang nakakurba,
at ang iyong nakakaakit na pustura pati na rin ang iyong maamong mukha.

Pero minahal kita hindi lang dahil sa iyong itsura o panlabas na anyo, kundi minahal kita ng dahil sa iyong pagkatao..
mas lalo akong napamahal sayo dahil tinanggap mo din ako ng buong puso..

Nabihag mo sa iyong matatamis na salita,
nabihag sa iyong mabubuting gawa,
hindi ko lubos akalain na ika'y magiging akin..
sapagkat hindi ako kagandahan sa kanilang paningin,
ngunit ako pala'y iyong pipiliin..

Napakasaya ng ating pagsasama
tayo'y bumuo ng masasayang alaala,
pag tayo'y magkasama palagi tayong nakatawa..
mga problema at hirap, kahit ganoo'y nilabanan pa din natin at nanatiling matatag..

Nangako ka na hindi moko iiwan,
nangako ka na ako lang..
nangako ka na ihahatid moko sa altar,
nangako ka na sabay tayong magtatapos sa pag aaral..

Ngunit mahal, nasaan na ang iyong mga pangako?
tuluyan na ba itong napako?
O sawa ka na at pagod? Ayaw mo na ba sakin o meron ka ng bago?

Akala ko ba tayo'y magkakaintindihan?
Na tayo'y laging magkakaunawaan?
Maa ang ating pasensya'y hahabaan? Pero bakit ko pa nga ba pinanghawakan?
Humantong pa din tayo sa puntong ako'y iyong iniwan..

Ang dating 'tayo' na ngayon ay 'ako'.. Mukhang mas naging maligaya ka sa 'yong bago, napapaisip tuloy ako kung saan ako nagkulang at ako'y iyong niloko?

Mahal, naaalala mo paba nung tayo'y masaya pang magkasama?
Naaalala mo pa ba nung tayo'y nagmamahalan pa? Halos mapunit ang ating mga labi sa sobrang saya..

Wala na ba tayong mababalikan?
Tuluyan na ba natin itong kakalimutan at babalik sa nakaraan ng tayo'y maligaya habang nagmamahalan?

Ngunit may naging pagbabago at namagitan, sadya 'yong masakit at aking dinamdam.. dahil 'yon sa mga pangako mo na aking pinanghawakan. Pero ako pala'y iiwan mo ding lang..

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon