XVIII

11 3 0
                                    


"Move-on"

Anim na letra ngunit paano nga ba ang proseso?
Mag-uumpisa ba ako sa pagbura ng mga litrato?
Itatapon at ibabasura ko na lang ba ang mga ibinigay niyang sulat at regalo? Bakit kasi bigla ka na lang naglaho? Tila pagmamahalan natin ay bigla na lang lumabo.. ang saya saya pa natin noon ikumpara pero ikaw lang ang nagbago, mga pangarap natin sa isa't isa na tayo pa din hanggang dulo.. Ang 'yong mga pangako na kahit kailan hindi ka magbabago at ako lang ang tanging mamahalin mo.. pero tila lahat ay napako? Ni isa sa 'yong mga pangako ay wala kang tinupad dahil kusa nang sumuko..

Ano pa nga ba ang aking magagawa?
Sa kaniya ka na masaya diba?
Sino ba ako para pigilan kang maging malaya? Pasensya ka na, masyado kasi akong napamahal sayo dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng halaga..
Tingin ko huli na ang lahat para tayo'y magkabalikan pa.. siguro iiyak na lang ako buong magdamag hanggang mamula at mamugto ang aking mga mata..
Pipiliting kalimutan ang masasayang pagsasamahan nating dalawa, mga alaalang ika'y aking kasama at pagmamahalan natin ay matatag pa.. Susubukan kong kalimutan, kahit alam kong imposible na..
Akala ko madali ngunit hindi pala..
Ang hirap kalimutan ng taong nagmahal at saaki'y nagpahalaga..

Kailangan ko ba talagang magtiis? Kailangan ba pag nagmahal ay may kapalit na sakit? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako at matanggal na ang pait?
Paano ko nga ba sasanayin ang aking sarili?
Kung sa bawat pag higa ko sa aking kama, ikaw ang nais kong makatabi.
Bakit nga ba kasi ikaw pa rin kasi ang dahilan ng aking mga ngiti?
Pangalan mo ang laging lumalabas sa aking labi! Bakit kasi ikaw pa din ang gusto ng puso kong pilit ikaw ang pinipili? Hindi ba pwedeng itigil ko na lang 'to at sa iba na lang bumaling? Hindi ba pwedeng tuluyan na kitang limutin?

Sa bawat gabi na lumilipas.. ramdam ko pa rin ang 'yong mga yakap,
kahit saan ako mapadpad, ikaw pa din ang hanap-hanap.. gusto kong pabango mo muli kong malanghap, tanda ko pa ang paborito mong tignan ang alapaap.. Mahal, gustong gusto ko na ulit maramdama ang mainit mong yakap, kahit sana sa panaginip na lang.. matupad lang aking hinihiling na pangarap, na sana'y makasama kang muli at tamis ng 'yong halik ay aking muling malasap..

Oo, bilanggo ako ng ating nakaraan! Alam kong wala na tayong pagasang magkabalikan pero sana hiling ko'y iyong mapagbigyan! Na init ng 'yong yakap ay muli kong maramdaman, dahil mahal, kahit ako'y patuloy na nasasaktan.. ikaw pa din ang mahal ko kahit ako'y iyo ng iniwan..
Kaya sana tibok ng aking puso ay 'yong pakinggan, dahil hanggang ngayon.. isinisigaw niya pa din ang 'yong pangalan..
Kahit alam ko ng tuluyan mo na akong nilubayan, gusto kong malaman mo na sa aking puso ay nagiisa lang.. at hinding hindi 'yong magbabago, magpakailanman..
Sana'y muli kitang masilayan, hanggang sa muli aking mahal..
Salamat, paalam...

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon