"Sana noon pa.."
Sana maulit muli,
Sana bumalik 'yung dati,
Noong mga panahon na ikaw pa ay nasa aking tabi,
Noong mga panahon ako pa ay iyong napapangiti..Pero paano?
Paano pa natin maibabalik yung dati,
Kung sa ngayo'y iba na ang iyong minimithi?
Paano pa tayo babalik sa dati,
kung iba na ang 'yong pinili?
Paano pa nga ba natin maibabalik kung sa ang puso mo'y iba na ang nagmamayari?Alam mo bang ako ngayo'y nagsisisi,
Nasasabi na lamang sa aking sarili,
Na sana paglumalapit ka hindi ako nagkukubli,
Nasasabi na lamang ngayon sa aking sarili "Ang tanga tanga mo kasi!"Masakit pala..
Masakit pala ang makita kang may kasamang iba,
Masakit pala ang makita kang masaya sa kaniya,
Masakit pala na masilayan ang taong mahal mo na may nagpapangiti ng iba..Sana noon ko pa inamin sayo na gusto kitang makasama..
Sana noon ko pa sinabi sayo na ikaw ang tanging taong saaki'y nagpapaligaya.. akala ko noon hindi ka makakahanap ng iba, akala ko kasi mananatili ka pa.. 'yun pala, hinihintay mo lang siya habang ako'y umaasa..
Sana noon ko pa sinabi sayo na mahal din kita..
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PuisiMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz