XIX

8 3 0
                                    


"Ikaw pa din, kahit hindi na ako.."

Bakit ba ang hirap makalimot sa nakaraan?
Kahit maraming araw na ang nagdaan..  Hindi ko alam kung bakit patuloy akong nasasaktan?! Tuluyan na naman kitang pinakawalan pero sadyang 'yung puso ko.. ayaw kang bitawan..
Alam kong hindi na tayo pwedeng magkabalikan dahil may iba ka ng kapisan, pero mahal, pakiramdam ko ako lang ang nahihirapan! Tila ba ang mundo ay nakikipagbiruan! Palaging ako na lang ang pinapahirapan.. hindi ba pwedeng ako'y maging masaya na lang?

Sa tuwing sasapit ang umaga ikaw ang laging naalala.. palagi kong napapanaginipan ang mga araw na tayo'y magkasama, minsan naiisip ko.. ako lang ba? O talagang hindi ka naaapektuhan sa aking pagkawala? Ako ba'y minahal mo talaga? O sadyang may iba ka na kaya nagbago ka na.. naiintindihan naman kita, kaya nga kita pinalaya upang sumaya ka.. Pero mahal, noong tayo'y magkasama pa, ikaw ba naging masaya? Kung ako ang tatanungin, totoong ako'y naging maligaya.. sadyang ikaw lang ang bumitaw at sa iba naging masaya..

Naalala ko pa kung paano mo ako unang napangiti.. palagi kong pinapangarap na sana maranasan muli, ang pakiramdam na ako'y iyong pinapangiti.. palaging inaasam na sana makitang kumurba ang 'yong mga labi.. Pero tila ang liwanag ay natabunan ng dilim, mas ginusto mo siya kaysa sa sa akin.. mas pinili mo siyang makapiling kaysa maging masaya sa relasyon natin?!

Mali ba ni minahal kita ng sobra?!
Mali ba na pinahalagahan kita?!
Mali ba na hanggang ngayon mahal pa din kita?!
Mali ba na hanggang ngayon sayo pa din ako umaasa?!
Mahal, kung sinabi mo lang sana..
Sana hanggang ngayon nandito ka, sana hanggang ngayon.. kasama kita. Sabay na susuungin ang bawat problema, sa hirap o ginhawa..
Kung nanatili ka lang sana..

Siguro nga nagkamali ako..
Pero hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang minahal ko.. kahit papaano ay naging masaya naman ako sa piling mo, nagmahalan naman tayo pareho.. Kaya bakit ako magsisisi na ikaw ang lalaking ginusto ko? Kahit naman niloko mo ako, ikaw pa din ang nanatili dito sa puso ko..
Ikaw pa din ang mahal ko, kahit hindi na ako..

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon