"Pagod na ako"
Sampung letra, tatlong salita..
Salitang sumira sa ating pagsasama, mga letrang naghiwalay sa ating dalawa..
Ang pagmamahalan na nagsimula sa "gusto kita" at natapos sa "pagod na ako, susukuan na kita"
Talaga nga bang napagod ka? O gumagawa ka lang ng dahilan para makahanap ka ng iba?Saan ka ba napagod at bigla ka na lang nawala? Pinaglaban mo ba ako ng todo para iwanan mo ako bigla? Hindi ka man lang ba nanghinayang sa ating pagmamahalan? Ano ang 'yong nararamdaman? Hindi ka ba nasasaktan, dahil mahal, habang nasa malayo ka at aking pinagmamasdan..
Parang wala lang sayo lahat ng aking pinagdadaanan dahil sa biglaan mong paglisan, parang balewala sayo ang ating pinagsamahan dahil sa pagsabi mo ng pagod ka na sa ating pagmamahalan..Ako ba ang nagkulang o sadyang ikaw ang hindi lumaban? Mahal, ginawa ko naman lahat sa relasyon natin para hindi tayo humantong sa hiwalayan, pero ang ipinagtataka ko..
Bakit ka lumisan ng walang dahilan?
Sinabi mo lang napagod ka tapos bigla ka na lang nangiwan?! Mahal naman! Saang parte ka napagod, eh hindi 'yung relasyon nga natin hindi mo pinaglaban! Tapos ano 'tong solusyon mo? Tapusin na lang natin at hayaan? Hayaang malugmok ang puso ko na sobra nang nasasaktan?Bakit ba kailangan kong masaktan ng ganito?
Ako ba ang mali o ikaw lang talaga ang nanloko?
Mahal, pinangako mo sa akin na tayo pa din hanggang dulo, pero bakit ganon? Bigla kang nagbago?
Bakit tayo humantong sa ganito?Oo, alam ko, hindi 'yon dahil nakahanap ka na ng bago kundi dahil sa salitang binitawan mo at 'yon ay ang 'pagod na ako'
Sana hindi ka na nangako..
Kung iiwan mo lang din ako, sana hindi na lumabas sa labi mo na ipaglalaban mo ako..
Dahil kung tinupad mo 'yon, paniguradong nandito ka ngayon sa tabi ko..
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoetryMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz