"Mahal kita, pero paalam na"Paasa? Isa ka nga ba sakanila? Na palaging nagpapakita ng motibo 'yung hindi ko mawari kung ano ba talaga tayo. Ay! Naalala ko wala nga palang tayo..
Puro ka na lang pagpapapansin sakin
Bakit hindi mo subukang aminin kung ano talaga ang tingin mo sakin, kaibigan lang ba o iyong iibigin?Magulo kasi sa ngayon..
Umaasa ako na parang ito na ang tamang panahon
Ito na nga ba 'yon?
Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon.Sabi nila dalawa lang ang klase ng tao dito sa mundo
'Yung paasa at umaasa
diba wala namang aasa kung walang paasa? At wala rin namang paasa kung walang umaasa..Sa bagay na iyan ikaw 'yung paasa..
Sa kabilang banda ako naman 'yung umaasa..
Umaasa na magiging tayo
Umaasa na magkakaroon ng salitang tayo sa pagitan nating dalawa. Ngunit sa panahon na lang yata may "PAG-ASA" sapagkat satin ay wala...Ayoko ng umasa ng sobra
Kasi sobrang sakit na
Paano nga ba iiwasan ang ganito?
Bakit nga ba ako umaasa sa isang katulad mo?Ngayon, kaya ka nagpapakita ng motibo dahil alam kong may kailangan ka..
Tapos malalaman ko na may iniibig ka na palang iba?
Parang ako lang yata ang nasasaktan.. mukhang sanay ka nang manloko at basta na lang mangiwan..Samantalang ikaw nakuha mo na ang lahat ng gusto mo..
Samantalang ako? Yung taong ninanais ko hanggang ngayon wala pa sa piling ko
Ayoko naman talagang tawagin kang paasa dahil sa simula't sapul ako talaga ang umasa...Sino kaya ang mas tanga?
Syempre ang umasa
umasa sa salitang pagasa
Ang sakit lang isipin na matatapos 'to sa salitang "Mahal kita, pero paalam na..."
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoetryMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz