III

18 4 0
                                    

"Patawad"

Nais ko lang na sabihin sayo... tunay na nararamdaman ko, sana maintindihan ako, sana pansinin mo pa rin ako... kahit hanggang tingin na lang ako sayo..


Nasasaktan ako.. Oo, inaamin ko
Pero hindi ko kailangan ipamukha sa mundo na ikaw ang mahal ko..
Oo, tama ang narinig mo.. Mahal kita, kaya nasasaktan ako..
Sa tuwing nakikita ko,
na siya ang minamahal mo?
Na sana ako na lang, pero binalewala mo.. wala akong karapatang sabihin na nagseselos ako.. isa pa, wala ka rin namang pakielam kung magdamag tumulo ang luha ko, dahil wala lang naman ako sayo..
Wala akong puwang sa buhay mo...


Gusto nang lumabas ng luha ko kaya mas pinili kong umiwas na lang sayo.. Pinigilan ko dahil ayokong makita mo at ng mga kaibigan ko..
Ang lungkot sa mga mata ko at baka magtaka sila kung bakit nagda-drama na naman ako..
Masakit man pero tatanggapin ko na meron na ngang kayo at kahit kailan hindi naging tayo..
Susuportahan ko nalang kayo, ilalabas na lang ang masayang ako para isipin mo na ayos lang ako, okay lang ako, na wala lang sakin lahat ng 'to..


Kunyari hindi ako nasasaktan tulad ng inaakala mo.. dahil magaling akong magtago, talento ko nang magpigil ng mga luha ko..
Siguro ay dahil sanay na ako, o baka dahil manhid na rin ang puso ko..
Mahal kita kaya kahit gaanong kasakit ang maramdaman ko, kayang kaya kong tiisin para sayo.. kaya kahit masakit na, ngingiti pa rin ako..

Okay lang naman ako,
masaya ako para sa inyo.. Itatago na lang lahat ng nararamdaman ko. Magkukunyaring masaya kahit puro puot ang nilalaman ng puso. Magpapanggap na maayos kahit na hindi ko kayang pakawalan ang isang tulad mo..
Patawad, ngunit ikaw pa rin ang gusto ko..

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon