XVIII

13 3 1
                                    


"Kaibigan, bakit ikaw pa?"

Simula pa nung una alam ko na..
Hindi pala talaga tayo para sa isa't isa,
hindi dahil sa hindi ako maganda..
Kundi dahil may mahal ka ng iba..

Akala ko pwedeng magkaroon ng 'tayo' , kaya nga umasa ako sayo..
Hindi pala... nagkakamali lang pala ako, dahil kaibigan lang ang turing mo..

Kaibigan nga lang ba?
Wala na ba talagang pagasa?
Pagasa na pwedeng magmahalan?
Hindi ba pwedeng mahalin mo din ako?
Kahit kunwari lang?
Oo, inaamin ko, mahal kita.. oh diba?
Parang 'di ka makapaniwala?

Mahal kita, matagal na.
Nililihim ko sayo dahil ako'y natatakot nga..
Natatakot na baka lumayo ka sakin kapag iyong nalaman..
Natatakot na baka ako'y iyong hindi magustuhan...
dahil turing mo nga sakin, hanggang kaibigan lang..

Gusto ko mang sabihin sayo kung ano ang isinisigaw ng puso, ngunit pinangungunahan talaga ako ng aking takot..
Takot na mawala ka at pagkakaibigan natin ay masira..

Paano nga ba sambitin ang salitang mahal kita?
Paan ko nga ba sayo maipapadama?
Kung ako'y kaibigan mo lang pala?
Kung ako'y isang kaibigan lang sayong mga mata?

Paano kung sabihin kong gusto kita?
Paano kung ipapadama kong mahal kita?
Paano kung higit pa rito ang nais ko?
Paano kung ayaw kong magkaibigan lang tayo?
Sapagkat sa piling mo ako ay masaya at sana'y maging espesyal ako sayong mga mata..

Pero paano nga? Gayong alam kong siya nga ang 'yong mahal?
Ako naman ang nauna diba?
Pero bakit siya pa?
Bakit siya pa eh mahal naman din kita?

Bakit hindi na lang ako?
Bakit hindi na lang ako ang minahal mo? Bakit ba kailangan akong masaktan ng ganito?
Bakit ba ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ba sa isang katulad mo pa ako mahulog?

Sa dinami-dami nang lalaki sa mundo.. bakit ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ikaw pang kaibigan lang ang turing sa isang katulad ko?
Sa dinami-dami nang lalaki sa mundo, bakit ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Bakit ikaw pang kaibigan lang turing sa isang katulad ko?

Pero bakit ganon?
Kahit nahihirapan na ako, mahal pa rin kita!
Kahit gustong gusto na kitang pakawalan hindi ko magawa..
Alam mo ba kung ano ang dahilan? Ha? Alam mo ba? Dahil mahal na mahal kita pero hindi mo makita ang tunay kong halaga!

Kailangan ko pa bang ipagsigawan na mahal kita sa buong mundo?
Eh paano naman ako?
Ako ba ang mahal mo?
Kasi ako.. ikaw lang, ikaw lang kahit hindi ako..

Ngunit bakit ang tadhana ay sadyang mapaglaro?
Hindi ako pwede Sayo..
Hindi pwedeng maging tayo,
At hindi pwedeng mahalin ko ang tulad mo, siguro ang pag ibig ay nababase sa itsura ng tao..

Anong laban ng oras, pagmamahal at effort na meron ako?
Sa kagandahan ng katawan, sa kagandahan ng itsura na tinataglay ng babaeng gusto mo, ng babaeng kinaiinggitan ko...

Kung 'yun ang basehan pupusta ako ng isang daang porseyento talo ako,
Dahil kilos mo palang kung paano mo siya pahalagahan, kung pano mo siya ingatan dehadong dehado na ako..

Bago ko tapusin ang tulang ito.. gusto kong iparating ang mensahe ko sayo, mahal ko. "Titiisin ko lahat para sayo, tatanggapin io na hindi talaga tayo.. kasi alam kong siya ang mahal mo.. Kahit na hindi na tayo nagpapansinan, gusto kong malaman mo na hinding hindi kita makakalimutan.. kahit kailan. Maraming salamat sa masasayang alaala, salamat sa mga sandaling nakasama kita..
Sana mabago pa ang oras at tadhana, para mawala na sa isip ko ang tanong na..
"Kaibigan, bakit ikaw pa?"

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon