"Maraming salamat.."
Sa dilim ng gabi ay naisiwalat ko na..
Ang katotohanang talagang lumisan ka na at ako'y tuluyang iniwanan mo na, ngunit nandirito pa rin ang naiwang sugat at marka ng mga nagdaan natin na kay sayang mga alaala.. mga oras noon na tayo'y magkasama, mga panahong pagmamahalan natin ay matatag pa.. at ang mga araw na hindi ka pa nakakahanap ng iba..
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, nagtataka ako kung bakit tila ikaw pa din ang gusto kong makasama kahit nasaktan mo na ako ng sobra..
Dahil mahal, hanggang ngayon ikaw pa din ang aking inaalala at tanging lalaking gustong makasama..Naalala ko noon, sa tuwing hawak mo ang aking kamay ay may kakaiba akong nadarama, na para bang ang puso ko ay sasabog na sa sobrang tuwa..
Nanginginig, nauutal, natutulala, namumutla, natutuwa..
Maging ang pagtingin sa 'yong mga mata ay hindi ko magawa, ngunit kay sakit isiping hanggang kilig lang pala..
Ang sakit isiping na hindi pala talaga ako mahalaga, pampalipas oras mo lang pala ako habang hinihintay mo siya!Masakit mang isipin na tatapusin na ang ating istorya, ang istoryang nagsimula sa mga alaalang kay saya at natapos sa isang taong nagparaya.. Ililipat na ng tadhana ang susunod na pahina..
Noon ay tayo, ngayon kayong dalawa na..
Masakit mang isipin na ako ngayo'y nagiisa na, pero mas nasasaktan ako kung kasama kita habang nasa isip mo naman ay iba..Ang sakit lang para sa akin dahil ako'y iyong pinaniwala! Na ako lang at wala ng iba..
Pinaniwala mo ako na sabay nating haharapin lahat ng ating mga problema..
Pinaniwala mo ako.. na hanggang dulo ay tayo pa at hindi ka magmamahal ng iba.. pero sadyang magaling kang manlinlang, napaniwala mo ako sa matatamis na salita.. maski ako hindi ko matanggap na wala ka na
Mas pinili mong lumigaya sa iba kaysa ayusin natin ang ating problema!
Ayos lang naman, sige kung diyan ka ba masaya.. handa akong magparaya.. Pero sana hindi mo na ako pinaniwala, sa mga pangako at 'yong mga salita.. lahat pala ng ng 'yon ang pinakita mo lang, lahat nga pala ay pansamantala lamang..Ngunit bakit tayo nagkaganito?
Paano tayong humantong sa ganitong sitwasyon? Sinabi ko lang na magpahinga muna tayo, tapos malalaman ko may iba ka ng gusto? Nasaan na pangakong mong tayo pa din hanggang dulo?
Sabi mo kahit anong mangyayari hindi mo bibitawan ang kamay ko?
Pero tila biglang naglaho ang kamay mo at sa iba na dumako?
Mahal, nagkulang ba ako?
Kung oo, sana patawarin mo ako..
pero hindi lang naman ako ang nagkulang sa relasyon nating ito.. Hindi ba't ikaw ang unang sumuko? Ako lang naman 'tong patuloy na lumalaban para sayo..
Ako lang 'tong nagparaya at nagpakahirap sa relasyong 'to!
Ang sabi mo kailangan mo munang magpahinga at lumayo, pinayagan naman kita pero wala sa plano na maghahanap ka ng bago at ibaling mo sa kaniya lahat ng atensyon mo!Alam mo bang dahil sayo nagbago ako?
Natuto akong tumayo sa sariling mga paa ko, mas tinatagan ko ang puso ko sa 'yong pananakit at panloloko..
Nang dahil sayo.. natuto na akong maging manhid at makalimot, makalimot sa lahat ng 'yong panlilinlang at pagpapaikot! Puso ko'y napuno na ng sakit at puot nang dahil sa mga pangako mong naudlot, at sa pagmamahal mong tuluyan nang nalugmok..'Wag kang magalala, napatawa na kita, ayos lang sakin kahit hindi na kita makita.. ang mahalaga, alam kong masaya ka na.. Hindi ko naman pinagsisihan na nakilala kita, sayo ako naging lumigaya at nakagawa ng masasayang alaala.. pero hindi mo nga lang nakita ang aking halaga kaya't gayon na lang ang 'yong ginawa.. Maayos na ako ngayon kaysa noong nandito ka pa, nalusaw na ang mga hinagpis na sayo ko lamang nadama..
Naglaho na ang pag ibig na sayo lamang alay sinta..At ngayong bumalik ka na at nanawa sa kaniya, gusto mo nang patawarin kita at humihingi pa talaga ng ikalawang tyansa..
Pasenya ka na, huli na ang lahat para sa ating dalawa..
Kaya ko na..
Kaya ko ng mabuhay ng wala ka..
Nasanay na akong magisa, natuto na ang dating tanga.. marunong nang lumaban ang dating lampa, natutong pahalagahan ang sarili ng higit kaysa sa iba.. na kahit kailan ay hindi mo naipadama..
Ang dala mong sakit ay mas lalong nagpatibay pa..
Alam ko na kung paano makabangon mula sa pagkadapa, nang dahil sayo.. mas nakita ko ang tunay kong halaga..
Kaya't maraming salamat at nakilala kita..
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoesieMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz