"Hiling sa buwan"
Palubog na ang araw,
paahon na ang buwan.
Ayan na naman ang takip-silim..
ilang saglit na lang ay lalaganap na ang dilim.. guguhit na naman sa langit,
ang numiningning na mga bituin..Isang araw na naman ang natapos,
sa walang sawang paghihintay.
Ngayon sa buong gabi naman aantabay..
Umasa, umaasa, aasa
Aantabay, maghihintay..
Na sana'y dinggin ang usal ng pusong nalulumbay..Ilang bituin na ba ang aking napaghilingan?
Ilang beses na ba akong nakiusap sa buwan?
Ilang beses na nga uling nasaktan?
Iniwanan, nawasak, nagkapira-piraso,
niloko, luhaan?
Sa dami, hindi ko na mabilang..
Hindi ko din alam kung ilan na ba ang tagpi ng pusong sugatan.Ngayon maghihintay na naman,
patuloy pa din na aasa at magpapakatanga!
Paulit-ulit na lang ba?
Hanggang kailan ba ako kakapit?
Hanggang kailan ko ba kayang tiisin ang sakit?Hanggang kailan ko uuguyin ang pusong nalulumbay?
Mapapawi pa ba ang kalungkutang nasa puso ko'y nananalaytay? Hanggang kailan ba ako aasa at sayo'y maghihintay? Patuloy akong humiling sa buwan na sana'y matapos na ang aking paghihintay, na sana matupad ang aking hiling bago ako humimlay..Iilan sa tanong na walang mahanap na sagot.
Makakaahon pa bang muli sa pagkakalugmok?
Na sa muli bang pag-ahon ng araw,
at paglubog ng buwan,
May "ikaw" nga bang nakaabang?
May tayo pa ba kahit ako'y iyong iniwan?Nandito ka na kaya ulit kinabukasan? Kung wala pa man, patuloy pa din akong hihiling sa buwan..
Hanggang sa ako'y iyo ng balikan at maipagpatuloy natin ang pagmamahalan, na sana halik at yakap mo'y muli kong maramdaman..
Mahal, sana hindi mo ako tuluyang kinalimutan.. dahil kahit ako'y iyo ng iniwan..Hihiling pa din ako sa buwan...
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoetryMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz