"Talaga"
Mahal, naaalala ko pa noong unang beses kitang makita.
Isang ordinaryong gabi lang dapat 'yon, kaso dumating ka.
Nakita kita sa mga oras na hindi ko inasahan.
Dumating ka at hindi ko man lang napaghandaan.
Ang saya. Ang saya ng gabing 'yon... Pero kung alam ko lang na ang sayang 'yon, ang magdadahilan ng matinding kalungkutan ko ngayon?
Sana pala, iniwasan na kita.
Sana, mas pinili kong pumikit sa mga oras na pinagmamasdan ko ang pagkurba ng iyong labi, dahilan ng iyong pagtawa.
Sana, pinili kong takpan ang tainga ko sa mga panahong tila nagiging musika sa aking pandinig ang boses mo.
Sana pala, tinuruan ko yung sarili kong ayawan at laitin ka nung mga oras na natututo na akong mahalin at tanggapin ang lahat ng tungkol sayo...
At sana, sana hindi ko hinayaang maging parte ka ng mga 'sinasana' ko sa hinaharap. Sana pala. Sa umpisa pa lang nilayuan na kita. Kaso, hindi. Hindi ko ginawa at hindi ko magagawa.
Dahil inakala ko, sapat na 'yung nararamdaman ko para sayo upang mahawakan kita...
Sapat, na 'yung saya na dulot mo para tumaya ako sa isang laro na hindi ko pa nakakabisado.
Sapat na 'yung simpleng titig at pagsulyap ko sayo, mula sa malayo.
Sapat na 'yung, simpleng ngiti, batian at pagtango sa tuwing nagkakasalubong tayo.
Sapat na 'yung makasama at makita kita ng panandalian sa pareho nating tagpuan.
Sapat na 'yung pagmamahal ko sayo ng palihim, dahil sa katotohanang baka magkasakitan pa tayo kapag nalaman mo 'yung totoo...
Ngunit hindi pala, nagkamali ako.
Nagkamali ako sa pag-aakalang sapat na ang panandaliang saya na dulot mo.
Puso at ilusyon ko lang pala ang nagsasabing nahahawakan kita.
'Pagkat ngayo'y sinasampal na ako ng katotohanang hindi kita hawak dahil sa simula pa lang, pagmamay-ari ka na ng iba.Oo, masakit sa umpisa.
Hindi ko halos maintindihan.
Kung bakit kailangan pang ipagtagpo sayo 'yung taong hindi naman para sayo nakalaan.
Pero mahal, unti-unti ko ng natatanggap at naiintindihan.
Napagtanto kong wala naman dapat pagsisihan.
Dahil lahat ng bagay dito sa mundo, nangyayari ng may dahilan.
Nasaktan at nabigo man ako ng lingid sayong kaalaman.
Dahil rin naman sayo, may aral akong nakuha at natutunan.
Dahil sayo, napagtanto kong hindi lahat ng pagmamahal kayang masuklian.
Hindi lahat tugma ang nararamdaman.
Na sa Pag-ibig pala, di dapat tayo magsisi.
Pagkat, nahulog man tayo sa maling-tao, napatunayan naman nating kaya nating magmahal ng walang hinihinging kapalit.
Na matapang tayo, dahil kaya nating magmahal ng lubos at indahin 'yung sakit...
Na sa pagmamahal pala, pangit o maganda man 'yung kinalabasan ng kwento, malungkot o masaya man ang katapusan.
Isa lang ang tiyak kong sigurado, 'yun ay magkakaroon tayo ng panibagong bagay na matutuklasan.
At ngayon, mahal.
Nakita ulit kita.
Sa parehong tagpuan nating dalawa.
Habang sinasalubong ko ang bawat ngiti at tingin mula sa'yong labi at mga mata.
Kaya ko ng pakawalan 'yung hatid mong panandaliang saya..
Dahil mula ngayon, ito ay magiging isa sa pang habang-buhay kong ala-ala. Pasenya pero..
Mahal pa rin talaga kita...
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoetryMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz