"Pinalaya"
Pinalaya kita, kasi hindi ka sa akin sasaya, binitawan kita dahil mahal kita..
Ayokong namang manatili kang sakin pero hindi ka masaya, ayokong mahirapan ka dahil sakin kaya mas pinili kong ika'y maging malaya..Paano ka nga ba sasaya kung ang pagmamahal mo naman ay nakabaling na ngayon sa iba?
Alam kong sa piling ko'y hindi ka na maligaya, kaya kahit masakit.. binitawan pa din kita, dahil gusto ko pa din makita ang labi mong kumukurba kahit hindi na ako ang dahilan ng 'yong mga tawa..Oo, masakit para sa akin na ikaw ay iwanan, pero mahal.. ayoko namang maging masaya habang ikaw ay lubog sa kalungkutan nang ako ang iyong kapisan, buong puso kitang binitawan kahit desisyon ko'y walang kasiguraduhan.. kung sasaya pa ba ako o mawawala na ng tuluyan?
Dahil mahal, hindi ko alam kung ano ang magiging kinabukasan pag mukha mo'y hindi na masilayan..
Ngunit ano nga ba ang silbi ng ating samahan? Kung sa ating relasyon palagi na lang may bangayan, kahit maliit na bagay atin pa ding pinagaawayan.. kahit na minsan ikaw na ang may kasalanan, ako pa din ang humihingi ng kapatawaran..Teka? Bakit mo nga ba ako iniwan? Dahila lang ba puro na lang tayo awayan? O dahil ako'y talagang iyo ng inayawan? Saan ba ako nagkamali? Kailan ba kita hindi pinangiti? Matapos lahat ng ating pinagsamahan, bakit siya pa din ang 'yong pinili? Hindi ba ako sapat at hindi ka na nanatili? Ayaw mo na ba saking piling? O may iba ka nang gusto iniibig? Dahil kung siya ang 'yong pinili.. hahayaan kita kahit iniwan mo akong sawi..
Ngayong masaya ka na sa kaniyang piling, gusto lang sana kitang kamustahin.. sana lagi ka niyang pasayahin, sana palagi kang nakangiti at sana.. makita kitang muli.. kahit mula lang sa malayo, gusto ko lang masilayan ang pagkurba ng 'yong labi.. gusto ko lang makita kung paano ngumiti ngayong siya na ang 'yong kapiling..
Nawa'y sarili mo'y kagi mong ingatan, sana hindi ka niya saktan, sana hindi ka niya iwanan, dahil ayokong makikita kang nasasaktan.. lalo na kung siya ang dahilan, dahil mahal, palagi lang akong nadidiyan.. sa puso mo, kahit tapos ang ating noo'y pagmamahalan..
Dalangin na sana'y palagi kang maligaya.. lalo na ngayon na akin ka nang pinalaya..
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoésieMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz