KATHLENE POINT OF VIEW
Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng coffee shop. At sumalubong sa akin ang mabangong aroma ng kape.
"Napakalamig..." bulong ko sa aking sarili.
Dumaretso ako sa may pinakadulong lamesa at inilapag ang aking hand bag sa mesa. Isinalampak ko ang aking sarili sa couch.
Maya-maya pa ay may lumapit sa aking babae na may hawak na isang tasa ng kape.
"Balita?" tanong nito sa akin pagkatapos ay humigop sa kape niya.
"Pang-ilan mo na 'yan ngayong araw?" tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang suot kong jacket.
"Pangatlo palang 'wag kang mag-alala." sagot niya sa akin pagkatapos ay tumingin ito sa bintana. "So? Kamusta?" tanong niya ulit sa akin.
Napabuntong hininga ako. "Hayss ganoon pa din. Hindi pa rin kami makakita ng matinong organizer. Pang-limang beses na ito myghad! Laging failed!" angil ko kay Mirae.
"Nathan is willing to help right?" tanong ni Mirae sa akin. "He can help you. Alam naman natin na maraming ganap sa buhay 'yon." saad ni Mirae.
"As if naman..kaya lang naman natulong 'yon dahil kay Glecy. Hanggang ngayon patay na patay pa rin kay Glecy. Tsk. Tsk." wika ko.
"Naiinis na naman ako! Naaaksaya ang mga artworks ko sa mga 'yan! Tapos sumabay pa ang ulan na 'yan. Nakakabuwiset!" dagdag na maktol ko kay Mirae.
"Uminom ka nalang ng kape." suhestiyon nito sa akin.
Pinandulatan ko ito ng mata. "Gusto mo ibuhos ko sa'yo 'yang kapeng iniinom mo!?" pagalit na wika ko dito. Alam niyang may allergy ako sa kape kaya lagi niya akong niloloko.
"Ito naman hindi ka mabiro hahahaha."
*brrr..brrrr*
Napatigil ako ng maramdaman ko na may magvibrate mula sa aking bag. Agad kong kinuha ang aking cellphone.
"Oh? Anong meron at napatawag ang babaita?"
"Sinong natawag?" tanong ni Mirae.
"Glecy is requesting for a video call." sagot ko kay Mirae at sinagot ang tawag ni Glecy.
"KATHHHHH!" bungad agad ni Glecy pagkakasagot ko sa tawag niya. Tumayo si Mirae sa pagkakaupo niya sa aking harapan at lumipat ito sa aking tabi.wl
"Iyang bunganga mo Glecy napakaingay." wika ni Mirae ng tuluyan na itong makaupo sa aking tabi.
"Kahit kailan napakakontrabida mo kaya hindi ka nagkakajowa eh!" mataray na sagot ni Glecy sa kanya.
"Bakit ka napatawag? Tapos na ang shooting mo sa Paris?" pag-iiba ko ng usapan.
"Yup. Tomorrow, babalik na ang buong crew sa Pinas. But I extended my visa for a week." masiglang wika ni Glecy. "And you know what guys? I just meet a handsome guy here. He was like an adonis! Ohlalalam~"
"Gago! Kaya nagextend ka kasi manlalaki ka lang!" birong wika ko kay Glecy. "Magseselos na naman ang fafa Nathan 'pag nalaman niya 'yan." dagdag ko pa dito.
"Huwang na huwag mo ngang babanggitin ang pangalan niyan sa akin. Kumukulo ang dugo ko."
"Akala mo namang wala kayong past... Kung hindi namin alam ang issue niyo maniniwala na sana ako." wika ni Mirae.
"Hmp. Anyway make your schedule clear one week for now on. Nakausap ko na si Via. We will have a girls night. Ang tagal na simula ng lumabas tayo. Sawang sawa na ako sa shop ni Mirae." wika ni Glecy.
"Makapagreklamo ka. Itapon ko lahat ng gamit mo dito." pananakot ni Mirae kay Glecy.
"Nyenye. Uy Khatlene make sure na pupunta ka, susunugin ko mga paintings mo kapag hindi ka pumunta." pagbabanta sa akin ni Glecy.
"Oo na Miss Revilloza. Kailangan maging best supporting actress ka sa movie mo na iyan ha."
"Che! Nambobola ka na naman, sige na. I need to go. I will help them with their things. Bye! Love you! See you soon!" then she hung up the call.
After the call, tumayo na din si Mirae sa kinauupuan niya. "Go change your clothes. Bago ka magpahinga."
Napatingin ako sa papalayong si Mirae. Muli akong napahinga ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.
Kitang kita mo ang mga tao na nagmamadali sa paglalakad habang hawak hawak ang kanilang payong, ang iba ay ininasangga ang kanilang gamit upang hindi sila mabasa at ang iba ay hinahayaan na lamang nila na mabasa sila ng ulan.
My name is Kathlene Amethyst Juarez, 25 years of age. Nakapagtapos ako sa kursong Entrepreneurship, but I decided to follow my dream. That dream is to be a famous painter.
It's been five years noong napagdesisyonan naming apat na magsama-sama. Sa taas ng coffee shop ni Mirae andon ang aming mga kwarto. Meron akong sariling studio sa taas kung saan ako nakakapagpainting. Pero dahil sa trabhaho ni Via at Glecy madalang ko na silang makasama. But nabawi naman sila kapag wala silang shooting.
Kaming apat ay naging magkakaklase sa Academia De Legaspi, iisa din ang aming section, at ang dorm namin ay nasa isang floor lang. Lalong napatibay ang pagkakaibigan namin dahil kahit iba iba kami ng pananaw sa buhay ay gusto naming maging independent. Mas gusto namin na pinagsisikapan ang mga bagay.
Iba't-iba man kami ng pag-uugali ay nakasanayan na namin ito at natanggap na din namin. Ang pagiging emo sa buhay ni Mirae at halos gawin niya ng buhay ang coffee shop niya. Ang artistang si Glecy magaling umarte kahit sa harap ng mga mahal niya sa buhay. Ang matigas na ulo na si Via, na akala mong si wonder woman ang kwento ng buhay.
Without them hindi ko siguro ipaglalaban ang pangarap ko sa aking pamilya.
Noong una ay hindi pumayag si Daddy sa desisyon ko na ipursue ang painting. Gusto niya na ako ang maghandle ng bussiness niya dahil wala na namang ibang magmamana nito kundi ako dahil only child lamang ako.
Isang taon din kaming nagkatampuhan ni Daddy but right now okay na kami with the help of Mom, nagkaayos kami ni Dad. Hindi sumuko si Mommy sa pagkumbinsi sa kanya until he decided to support my happiness. Pero until now hindi pa din siya sumusuko na baka 'daw' magbago pa ang isip ko.
"Hoy Kathlene Amethyst Juarez makikipagtitigan ka na lang diyan sa ulan?" pinitik ni Mirae ang noo ko.
"Ouch! Alam mo Mirae hindi ka na talaga magkakalove-life tandaan mo 'yan! Napakasadista mo!" pagalit na wika ko sa kanya.
Kinuha niya ang aking bag at inihagis sa akin. Agad ko itong sinalo at sinamaan siya lalo ng tingin.
"Hindi pwede ang tambay dito. Nakakasira ka ng ambiance ng shop." walang ganang sagot nito sa akin.
Tumayo at pinisil ang pisngi niya na pinakaayaw niyang ginagawa namin. "Sa ganda kong ito? Pasalamat ka nga may magandang natambay sa shop mo!" nagmanadali akong tumakbo sa second floor pagkatapos kong diinan ang pagkakapisil sa pisngi ni Mirae.
'Hahahahahaha siguradong patay ako nito mamaya amp!'
ESTÁS LEYENDO
Calliope Series 1: Our Unexpected Love
Romance🌻Calliope Series🌻 Kathlene Amethyst Juarez and Yohan Matthew Cortez story 💗