23
"Perfect! Good job Kathlene Amethyst! Ang galing mo talaga!" wika ni Kathlene matapos niyang tignan ang painting na natapos niya kagabi. Sa dami ng kanyang nagagawang paintings ay hindi niya alam kung bakit sobrang saya niya ng matapos niya ito. Marahil si Yohan na kanyang asawa ang pinagkunan niya ng inspirasyon para sa painting na ito.
Matapos masatisfied ni Kathlene sa pagtingin sa kanyang painting ay napagdesisyonan na niyang bumaba sa first floor.
"Buti naman at naisipan mong bumaba Miss Kathlene." agad na wika ni Jesmaryvia ng makita nito si Kathlene na pababa sa hagdan. "Bagong gawa ang chocolate mousse sa kitchen, kung gusto mo ay ikukuha kita."
Kathlene wave her hands. "No need, ako nalang ang kukuha mamaya. Sinong bantay sa counter ngayon?"
"Si Mary." sagot ni Jesmaryvia.
"Ohh sige, tapusin mo na ang ginagawa mo diyan tulungan ko lang si Mary sa counter."
Nang makababa si Kathlene sa hagdan ay biglang sumama ang timpla ng kanyang tiyan. Nagmamadali siyang nagtungo sa comfort room at doon nagsuka.
"Masyado nang ayaw ng katawan ko sa coffee kahit amoy nito ayaw na? Napakaarte ng katawan mo Kathlene!" pagpapagalit ni Kathlene sa kanyang sarili. Nakakapagtaka dahil sa mismong kape lamang siya allergic hindi sa mismong amoy nito.
Nanghihinang lumabas si Kathlene mula sa shop dahil hindi niya masikmura ang amoy ng kape. Umupo siya sa labas kung saan hindi gaanong matapang ang amoy ng kape.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Mary habang kasunod ni Kathlene, pinatong nito ang isang tasa ng cinnamon tea at isang slice ng chocolate mousse.
"Masama lang ang pakiramdam ko." matamlay na sagot ni Kathlene.
"You should go to the hospital baka mag-alala ang asawa mo." Hindi na lingid sa kaalaman ng mga ito na may asawa na siya, dahil sa dalawang linggong pamamahala ni Kathlene sa cafè ay ilang beses ng pumupunta si Yohan dito para sunduin si Kathlene or di kaya ay samahan ito sa loob ng cafè. And all of them know that Mr. Cortez really cherish his wife deeply.
"Pfft I know I know, don't worry masama lang timpla ng tiyan ko pero magiging ayos din siguro ako mamaya."
"Tsk,tsk ang titigas pa naman ng ulong niyong magbabarkada, basta sinabihan kita ah." pagkatapos sabihin iyon ni Mary ay muli na siyang pumasok sa loob ng café.
A few moments later, nahulog sa isang malalim na pagiisip si Kathlene. Kailan at sa paanong paraan niya ibibigay ang painting kay Yohan. She really want it to be romantic and unforgettable, but the question is how?
Kathlene decided to asked the girls if they have any idea.
She send a message to their group chat. And then Glecy quickly requested a video call.
"Anong meron kay fafa Yohan?" agad na tanong ni Glecy ng sagutin ni Kathlene ang video call. Kasalukuyan itong kumakain ng mansanas habang busy ang mga hair stylist nito sa pagaayos ng kanyang buhok.
"Hindi ba ako nakakaabala?" tanong ni Kathlene ng makitang busy ang buong paligid ni Glecy mula sa background.
Glecy rolled her eyes. "Duh, hindi naman siguro ako tatawag kung nakakaabala ka diba? Asan ang utak Kathlene? Pati ba naman utak mo pinakain mo na kay Yohan?"
"Ako ba 'yang pinagsasabi ng bunganga mo Glecy Andra! Kadiri ka!"
"Anong kadiri do'n aber? 'Yang tumatakbo sa utak mo ang kadiri! Iwww!" maarteng wika ni Glecy. "So anong maipaglilingkod ko sa'yo kamahalan?"
أنت تقرأ
Calliope Series 1: Our Unexpected Love
عاطفية🌻Calliope Series🌻 Kathlene Amethyst Juarez and Yohan Matthew Cortez story 💗