"H-huk...k-kasalanan ko talaga a-ang lahat, kung hindi ko h-huk h-hinayaan ang sarili ko na m-mahalin siya edi sana hindi a-ako h-huk nasasaktan ngayon."
Muling inabutan ni Via ng tissue si Kathlene at hinayaan itong magsalita ng magsalita.
"Kasalanan ko talaga! K-kasi in the first place ay p-pumayag ako sa naging desisyon ng pamilya ko. P-pero kung hindi ako papayag siguradong sila ang m-masasaktan! Alam ko kung ano ang g-ginawang sikap ni Daddy para m-mapalago ang kumpanya... halos lahat n-ng pagsisikap ay ginawa niya...ayoko na dahil lang sa akin ay mawala ang lahat ng i-iyon...pero dapat ba? nararapat ba na danasin ko ang sakit na 'to? D-dapat ba na..masaktan ako?" Ikiniyom ni Kathlene ang kanyang palad. "Masakit... nasasaktan na 'ko."
Nagulat si Via ng walang anu-ano'y biglang tumayo si Kathlene.
"Kathlene......"
"P-punta lang akong h-huk r-restroom.."
"Samahan na kita.." tatayo na sana si Via ng pinigilan siya ni Kathlene.
"P-please?" Kathlene genuinely smile at her.
Walang nagawa si Via kundi humugot ng malalim na hininga at sinundan ng tingin si Kathlene.
Halos sampung minuto pa lamang ang nakakaraan magmula ng umalis si Kathlene upang magtungo sa restroom ay nagring ang phone ito.
Napatingin si Via sa hand bag ni Kathlene bago nito tuluyang kunin ang cellphone mula doon. Saktong pagkuha ni Via sa cellphone ay natapos ang pagriring ng cellphone ni Kathlene.
Unknown Caller.
Ang tawag ay mula sa isang unknown caller. Ibabalik na sana ni Via ang cellphone sa handbag ni Via ng biglang tumunog ang familiar na ring tone na iyon.
~Fly me to the moon...let me sing among those stars~
It was Kathlene singing voice, hanggang ngayon ay nakasanayan na nilang apat na ang nakaset na ringtone or alarm nila ay ang kanilqng sari-sariling boses.
~Fly me to the moon... fly with me..~
Muling tinignan ni Via ang cellphone at mula na naman sa isang unknown caller ang tawag.
Via decided to answer the call.
"Madam/Who is this?" sabay silang nagsali ng sagutin ni Via ang tawag.
"Bakit nasa'yo ang cellphone ni Miss Kathlene!?" tanong ng lalaki mula sa kabilang linya.
"Sino ka?" tanong din ni Via.
"Wait your voice is familiar....Miss Leather Jacket!?"
"Who-" biglang naalala ni Via ang nagiisang lalaki na tumatawag sa kanya ng ganoon walang iba kundi ang doktor ni Yohan, si Jingson Kyle Arevalo. "Tsk what do you what!? Bakit ka tumawag kay Kathlene!?" walang anu-ano'y nag-init ang ulo ni Via ng maalala ang ginawang pangiindiyan ni Yohan kay Kathlene. "Anong excuse ang sasabihin ng boss mo!?"
"About that.... can I speak to Kathlene?" seryosong tono ni Jingson.
Via tried to calm herself too. "Pinapakalma niya ang sarili niya. She need some air. That Yohan... What really happen to him?"
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo o hindi pero Miss Leather Jacket can you do me a favor?"
Via just ended the call when Kathlene walk outside. At doon niya lamang nalaman ang tunay na rason kung bakit walang Yohan Matthew Cortez na nagpakita kay Kathlene. Gustong sapakin ni Via ang kanyang sarili dahil pinagbintangan niya si Yohan, sa katotohanan ay nagalit din siya kay Yohan. Pinangako niya din sa sarili niya na once na magkrus ang kanilang landas ay may kalalagyan si Yohan. Hindi makapaniwala si Via na nahulog siya sa scheme ni Paris. The great assassin V fell under Paris schemes!
BINABASA MO ANG
Calliope Series 1: Our Unexpected Love
Romance🌻Calliope Series🌻 Kathlene Amethyst Juarez and Yohan Matthew Cortez story 💗