🌻 C h a p t e r 19 🌻

12 1 1
                                    

Muling nilanghap ni Kathlene ang aroma ng kape sa buong silid. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng café, as usual the business is doing great, madaming pwesto ang kasalukuyang occupied.

Agad siyang nagtungo sa counter.

"One crepe suzette and a slice of tef velvet cake. For the drinks I get caffè mocha."

"That would be 588 pesos."

Pagkatapos mag-order at magbayad ng customer na nasa harap ni Kathlene ay agad itong umalis.

Taas kilay na tinignan siya ni Via. "Naligaw ka Mrs. Cortez?"

"I'd like a cup of chocolate milk and a slice of black forest cakes." nakangiting wika ni Kathlene kay Via.

"You chocolate maniac." Via listed her order. "That would be 398 pesos Madam."

"Bakit ang isang Via Katarina Jimenez ang cashier sa Frexious ngayon? Nasaan si Samantha?" tanong ni Kathlene dito habang kinukuha ang kanyang wallet sa dala nitong handbag.

Ang tinutukoy na Samantha ni Kathlene ay ang personal assistant ni Mirae sa loob ng Frexious M.

"Sinama ni Mirae si Samantha. Wala naman akong gagawin ngayon kaya eto." sagot ni Via.

Inabot ni Kathlene ang eksaktong bayad.

"Seriously? Can't I get a small tip to you?" Tinignan ni Via ang eksaktong 398 pesos sa counter at dahan dahan itong kinuha. "You've married a rich guy, pero ang kuripot mo pa din."

"Hahahahahaha my husband is rich not me." natatawang wika ni Kathlene.

"Whatever Kathlene Amethyst, just go and leave me alone!" pagtataboy ni Via dito.

Natatawang nagtungo si Kathlene sa favorite place niya sa loob ng café.

Ilang minuto pa ay sinerve na ang kanyang order. Dahan dahang inilapag ni Via ang order ni Kathlene kasama ang isang smoothie na kanyang ginawa. Umupo ito sa harap ni Kathlene.

"Hindi pa rin umuuwi si Mirae?" nagtatakang tanong ni Kathlene.

"Umuwi siya kahapon, pero umalis din agad kaninang umaga. Actually magkasabay na umalis si Glecy at Mirae kasama si Samantha kaninang umaga."

"Glecy? Tapos na project niya?" muling tanong ni Kathlene.

"Yeah, nung isang araw pa tapos ang project niya, masyado ka ng busy sa asawa mo kaya hindi niya na sinabi sa'yo. So kamusta ang honeymoon niy-"

"Heh! anong honeymoon!" Namumula ang pisngi ni Kathlene ng sawayin niya si Via."

"Pfft. You should look at your face Kathlene. Hahahahahaha!"

"Stop it Via Katarina!"

"Okay.. Okay...Pfft."

"Hmp!" Kinuha ni Kathlene ang tinidor at kumapiraso sa black forest cake niya.

Via take a sip to her smoothie before she spoke to Kathlene. "After her project, nagdecide si Glecy na umuwi muna sa kanila. Sa sobrang dami niyang project bibihira niya nalang mabisita sila tito at tita.

"Okay na nga rin ang naging desisyon niyang iyon atleast magkakasama sila kahit paano, siguradong miss na miss na ni tito ang pinakamamahal niyang prinsesa." wika ni Kathlene habang patuloy na kinakain ang kanyang black forest cake.

Napabuntong hininga si Via. "Bigla ko tuloy silang namiss."

"Nakakamiss din palang magbakasyon sa isla ng Revilloza, one day I'll visit that place again." nakangiting wika ni Kathlene.

Calliope Series 1: Our Unexpected LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora