KATHLENE POINT OF VIEW
"Ilang beses mo ng tinititigan 'yan woy. Kahit anong gawin mong titig diyan hindi na magbabago kung anong nakasulat diyan. Just accept it darling."
"Hindi ko akalain na si Kathlene ang unang ikakasal sa atin hahaha. Sana ginawa nilang engrande right? You deserve a extravagant wedding."
"So kamusta nakita mo na ba ang asawa mo?"
"AHHHHH!! Why me! Pwede namang si Mirae nalang!" napatungo ako sa mesa. Nasa loob kami ngayon ng coffee shop ni Mirae, sarado ito ngayon kaya pwede kong gawin kung ano ang gusto kong gawin.
"Sorry darling, I don't have a parent like you, remember?" saad ni Mirae habang nililinis niya ang coffee maker. "And thanks God I don't have one."
Isang linggo na ng nakakaraan ng sabihin sa akin ng mga magulang ko na ikakasal na ako, but until now they didn't tell me kung sino ang taong papakasalan ko. I don't even now if they are just kidding me. Until a red note knocks at my door.
Yesterday I got my fucking marriage certificate!
"Pero hindi kaba nacucurious sa itsura ng hubby mo? They are from a wealthy family right? Siguro gwapo." pang-aasar na tono ni Glecy.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi lahat ng mayaman ay gwapo. Wala naman akong pakialam sa panlabas na kaanyuan ng tao. Ang importante ay ang nilalaman ng puso niya. And honestly I don't even know kung magsusucced ba ang marriage na ito. We both don't know each other right?"
"Pero Kathlene, why don't just give it a try? Wala ka namang boyfriend ngayon at higit sa lahat wala ka namang lalaki na pinagpapantasyahan maliban doon kay Mr. 307."
Iniangat ko ang aking ulo at pinandulatan ng mata si Via."Anong pinagpapantasyahan? Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala kang maloloko dito Kathlene." sagot sa akin ni Via.
"Kyahhh! Speaking of him. Hindi na ba talaga kayo nagkita? As in wala na talaga?" kinikilig na saad ni Glecy at tumabi ito sa akin.
"As if makikilala ko 'yon. I don't even see his face."
"Bakit kasi sarap na sarap ka, hindi mo man lang tinignan kung anong itsura ng nagpapasarap sa'yo!" inismiran ako ni Glecy.
"Ahhh enough! Ang laki laki na nga ng problema ko ngayon dadagdag pa ang lalaking 'yon?" pagpapatigil ko sa bungaga ni Glecy dahil kung ano ano na naman ang mga bagay na lalabas sa bibig niya.
"Huwag mo kasing problemahin just enjoy it. Malay mo naman magwork 'diba?" wika ni Mirae.
"Hays." napabuntong hininga ako ng sobrang lalim.
"Teka anong oras ka ba daw ba susunduin?" pagiiba ni Via sa usapan.
Napatingin ako sa malaking wall clock na nakasabit sa may tapat ng counter ng shop.
"Around 2 o'clock in the afternoon I guess." walang ganang sagot ko dito.
"So iiwan mo na talaga kami Kathlene? You will enter a new chapter in your life." malungkot na wika ni Glecy.
Tinaasan siya ng kilay ni Mirae at binato ang hawak nitong pamunas. "P'wede ba Glecy Andra? Napaka OA mo."
Binato pabalik ni Glecy kay Mirae ang pamunas. "Alam mo Mirae ang korny mo. Iiwanan na tayo ni Kathlene. Magpapakasaya na siya kapiling ang kanyang asawa. Hindi mo ba siya mamimiss?" pang-aasar na tono ni Glecy.
"Nahiya ako sa'yo Glecy ilang beses ka nga ulit umuuwi dito? Ahhh kapag walang project. 'Yan parehas kayo ni Via naaalala niyo lang naman umuwi dito kapag wala na kayong magawa sa buhay niyo." wika ko sa kanya. "Nilulumot na ang inyong gamit dalawa dahil walang gumagamit!"
Dahil narin sa trabaho ng dalawa ay paminsan minsan na namin silang makasama pero sanay na naman kami sa ganoon. Dahil dumadating din ang time na kami naman ang busy tapos sila naman ang free.
Exactly 2 o'clock dumating ang driver na susundo sa akin. We bid farewells to each other. Sa sobrang OA sila ay may paiyak-iyak pang nalalaman si Glecy, as if hindi na ako babalik. I'm just moving lang naman sa bahay ng so-called-asawa ko.
Halos lumuwa ang mata ko ng dumating kami sa lugar na aming pupuntahan.
Platinum Palace.
Only the most richest family live here. And expected na ang mga bahay dito ay best of best.
"Madam naandito na po tayo." wika ng driver. Doon lamang ako bumalik sa wisyo.
Bumaba ako sa sasakyan.
"Woahh." manghang manghang wika ka. "Don't tell me dito ako titira?" tanong ko sa driver habang binababa nito ang mga gamit. Sa katunayan ay hindi ako nagdala ng madaming gamit dahil ang sabi ng mga magulang ko ay nakahanda na ang lahat ng mga gagamitin ko.
As we enter the house, no the mansion. I can't help myself to look around. The whole place is shouting for luxury and money. This whole place is very jaw drooping! I grew up in a wealthy life but not like this one.
"Secretary Lim siya ba?" napatingin ako sa aking harapan ng may magsalita.
Secretary Lim? Agad akong napatingin sa driver na katabi ko habang hawak ang dalawang maleta ko.
She was talking to him?
And he was a secretary!?
"Yes. She is Mrs. Cortez. The only Yohan Matthew Cortez wife."
VOUS LISEZ
Calliope Series 1: Our Unexpected Love
Roman d'amour🌻Calliope Series🌻 Kathlene Amethyst Juarez and Yohan Matthew Cortez story 💗