Kinaumagahan.....
Monique's POV
May pasok pa ako kaya mamaya nalang ako pupunta sa kampo."Talaga ba gumising na si Sean?" tanong ni Nyx.
"Kaya nga kahapon ako na lang ang gumawa ng takdang-aralin, kasi masyado siyang nagmamadaling makita ang kasintahan niya," Reign.
"Buti nga pumunta ako kina Reign kahapon, kung hindi eh 'di sana wala din akong takdang-aralin," sabay subo ni Itzel ng sanwits.
"Buti nga lang," dugtong ko din at uminom ng dyus.
"Leigh," wika ni Itzel, nakatingin kaming apat kay Leigh na abala sa paggamit ng kanyang cellphone.
"Leigh," tinawag kong muli si Leigh.
"Ha?"
"Hakdog," Reign.
"Alam mo kanina ka pa namin tinatawag," nakakunot noo namang saad ni Nyx.
"Pasyensya na, may binabasa lang kasi ako," ani niya.
"Ano ba kasi 'yan?" lumapit naman si Itzel sa kanya, saka nagsunuran na kaagad kami.
"Isang baliw na nakitang palaboy-laboy sa kalye, ayon sa kumuha ng litrato, siya ay isang Atorni," saad ni Leigh.
Nanlaki kaagad ang mata ko sa aking nakita.
"Naku anong nangyari sa kanya?" Nyx.
"Mukhang binugbog," Reign.
Siya 'yong aleng nakita ko kahapon.
"Nakita ko siya kahapon," wika ko.
Nagtinginan naman silang apat sa'kin.
"Talaga?" Itzel.
"Oo kring, nakita ko siya kahapon, kawawa naman ang itsura niya," ani ko.
"Baka binugbog siya dahil sa hindi niya naipaglaban ang kaso?" Reign.
"O kaya naman dinukot siya ng kalaban nila sa kaso?" napapaisip pa na sabi ni Reign.
"Mukhang gano'n na nga," saad ko naman.
"Ngunit hindi naman natin alam ang totoong dahilan, kaya't huwag muna tayo manghusga," dugtong ko pa.
"Pero iba ang itsura niya Monique," Leigh.
"Hindi lang basta-basta 'yan," Nyx.
"Tingnan niyo nga mabuti," Itzel.
Maya't-maya lang ay tumunog na ang bell kung kaya't natigilan kami.
"Balik na tayo," ani Leigh.
"Sige," saad naman namin.
Agad kaming bumalik sa sari-sarili naming mga silid at nag-umpisa na naman ang klase.
"Kr-"
"Naku naman Kring mag-uumpisa na naman kayo ni Reign," reklamo ko naman.
"Kring kasi-"
"Ay naku bahala kayo diyan," nanliit nalang mata ko saka tumingin sa guro naming nasa harap.
"Gaga hindi nga naging kami ni Ralph," nakatingin pa ng masama si Itzel kay Reign.
"Ikaw naman kasi 'di ba sabi mo dati nililigawan ka niya?" Reign.
"Ano ba Reign kalimutan na lang kasi natin 'yon," Itzel.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...