Monique's POV
Dumiretso kami sa isang malaking bahay."Kaninong bahay 'to Elay?" tanong ko kay Elay.
"Kay Presidente Igor," tumuloy na kami sa loob ng gate, kung saan nandito din ang mga sasakyan ng mga kasamahan namin kanina, narito din ang iilan sa labas.
"Pasok kayo," may isang babaeng nagsabi sa amin na sa pagkakakilala ko'y siya ang asawa ng Presidente Igor.
"Si Boss Tiburcio po, may tama ng bala," saad Mang Boy.
"Ipasok siya sa loob," wika naman ng asawa ng dating presidente at pumasok sa loob, narinig kong may tinawag siya kaya may nagsilabasan at pinagtulungan naman nila si Boss na ipasok sa loob ng bahay.
"May alam akong puwede niyong maging bagong kampo," saad ng dating Presidente Igor.
KINAUMAGAHAN.....
Nagising ako dito sa abandonadong bahay na sabi ni Presidente Igor ay ang aming bagong kampo, malaki siya at mayroong malawak na taniman na ngayo'y wala ng kahit anong naitanim dito, tingin ko'y dating asyenda ito ng Presidente o kaya'y binili nila na inabandona na ng may-ari.
Pinaandar ko naman ang aking cellphone na may basag na sa gitna.
Baka dahil ito sa mga nangyari kahapon.
Nakita kong nakakailang tawag na sina Ate Jai, sina Reign, Luke, Ralph, maging sina Charles at Veronica. Meron pa pala sina Nanay Sab saka si Tatay.
Biglang tumunog ito kaya sinagot ko naman.
"MONIQUE? Monique!" halos mapasigaw na si Luke.
"Luke," saad ko naman.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa telebisyon-"
"Monique akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo!" biglang inagaw ni Veronica ang cellphone saka sumabat.
"Ayos lang ako," ani ko.
"Si Sean ba kasama mo?" tanong ni Charles.
"Hawak siya ng presidente," sagot ko.
"Nagkita kaming lahat kahapon, ng mga kaibigan mo pagkatapos marinig ang tungkol sa pagsabog, nalaman naming dalawa sa mga nasawi ay sina Jeff at Popoy Flores," ani Luke.
"Nandito lang naman ako sa malayo, si Sean-hinihintay ko pa ang tawag niya," sagot ko pa.
"Kahapon pa namin kayo kinukontak, nagriring ang cellphone niya ngunit ayaw sagutin," ani Veronica.
"Mamaya magkita tayo, uuwi ako sa bahay, alam kong nag-aalala na sa akin ang aking mga magulang," ani ko.
"Sige Monique, mag-iingat ka diyan," Ralph.
"Salamat sa inyo," wika ko.
Pagkatapos nilang mag-paalam, napatay na ang tawag at kami naman dito sa malaking bahay ay nakahanda na para sa almusal, nagluto na sina Aling Tereng kasama ang ilan pang mga nanay ng mainit na sopas saka namigay sila ng tinapay.
"Pupunta kami ng bayan, sasama ka?" tanong ni Mang Boy sa'kin.
"Opo, uuwi ako sa bahay namin," sagot ko.
"Sige," saad niya.
Pagkatapos naming kumain ay nakahanda na kami sa pag-alis.
May tumatawag na naman sa'kin, nakita kong si Sean ito.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
AzioneMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...