Kabanata VII- Popoy Flores

18 0 0
                                    

Monique's POV

"Mahal ko kayo, patawarin niyo ako sa aking mga kasalanan, bilang ama hindi ko naitama ang pagkakamaling itinuro ko, ni-hindi ko naiwasto ang mga maling naintindihan ng mga anak ko, hindi ko naayos ajg aming pamilya, mahal ma mahal ko kayo, sana mapatawad niyo ako-"

Isang malakas na pagtama ng baril ang aming nasaksihan sa telebisyon.

"K-kuya?" nakita kaagad namin si Sakura na nasa likuran pala kaagad kong kinuha ang remote para patayin ang telebisyon.

"Halika Sakura," biglang niyakap ni Sean si Sakura.

Kaagad din akong napakap sa bata na nakatalikod sa'kin.

"S-si Da-ddy 'yon eh," saad niya na mayroong paghikbi.

"Ku-yahhhhhh," umiiyak na sabi niya na nakayakap pa din kay Sean.

"W-a-la na si D-addy," bulong niya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Nanay, bumitaw naman ako kay Sakura saka hinarap si Nanay.

"Si Tito Santiago po, ibinalita sa telebisyon, nasa kamay siya ni Jacxson Clifford na may pakana ng lahat ng nangyayari ngayon," ani ko.

"Ano?" nagulat na tanong ni Nanay na mayroong mga tanong na mukha, hindi niya alam ang nangyayari.

Masyado siyang naguluhan.

"P-pi-na-tay ni-la si Da-da-ddy," biglang kumalas si Sakura sa pagkakayakap kay Sean saka yumakap kay Nanay.

"B-bi-binaril nila, b-inaril nila si D-daddy!" umiiyak na sabi ni Sakura na ikinatingin lamang ni Nanay sa'min.

Nakita ko namang medyi naluluha ang mata ni Sean.

"By?" bigla ko siyang niyakap, napasubsub naman ang mukha niya sa dibdib ko.

"Daddy ko 'yon eh, kahit masamang tao 'yon!" sumisigaw na wika naman ni Sakura.

"Nagsisisi siya Mom," ani ni Sean, nakita ko namang namumuo din ang mga luha sa mata ni Tita.

"Mas masakit talagang nakikitang umiiyak ang aking mga anak," saad ni Nanay saka hinalikan ang ulo ni Sakura.

Maya't-maya lang nakarinig kami ng katok sa pinto na ikinahinto naming lahat.

"Nay?" tanong ko kaagad.

"'Wag mong bubuksan," sabi ni Nanay.

"By," bulong ko na napaatras sabay hila ng upuang de gulong ni Sean.

Biglang bumukas ang ang pinto at iniluwa nito si Tatay.

Tumabi siya sandali saka nakita namin si Tito Santiago na nakahandusay sa labas, kaagad na umalis ang mga hindi kilalang lalaki na mukhang nagdala sa kanya dito.

"D-ad?" bakas sa mukha ni Sakura ang pagkagulat at tumakbo siya ng mabilis papunta sa kanyang ama.

"Daddy?" tanong din ni Sean kaya tinulungan ko siyang itulak ang upuang de gulong niya palapit sa taong nasa sahig.

Akap-akap sa bisig ng isang batang babae, tumutulo ang mga luhang may bawat patak ng paghihinagpis.

"Binugbog nila ang kawawa kong ama," naiiyak na wika ni Sakura, si Sean din ay sinubukang tumayo para lapitan ang ama kaya pinagbigyan ko at tinulungan sa pagtayo saka napaupo siya sa sahig.

Labis akong naawa habang nakikita ang dalawang magkapatid na umiiyak.

"Jusko Tiago, anong ginawa nila sa'yo?" napatakip naman ng bibig si Nanay habang pumapatak ang luha sa mga mata. Niyakap lamang siya ni Tatay.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon