Sean's POV
Nandito na naman kami sa kampo, kabilang ang mga magulang ng mga kaibigan ko at mga magulang ng mga kaibigan ni Monique, sabi nila sasanib daw sila sa grupo nina Monique."Mauuna na ako hijo," paalam ni Tito sa'kin nung tumingin ako sa kanila ni Monique na nag-uusap.
"Sige po mag-iingat kayo," sabi ko naman, ngumiti ito saka naglakad na.
"Sabi ni Tatay may trabaho pa daw siya kay Clifford kaya aalis na siya," ani Monique.
"Alis na daw si Dad," narinig namin ang boses ni Luke galing sa likuran namin na ikinatingin naming dalawa.
"Bakit daw?" Ralph.
"May trabaho pa siya kay Clifford," sabi naman ni Luke.
"Ay oo nga pala Sweetheart, bakit nga pala hindi pumunta ang daddy mo?" tanong ni Itzel sa kaniyang kasintahan.
"Hindi puwede eh, isa siyang kakampi ng mga Clifford kaya hindi ko puwedeng sabihin," sagot din ni Ralph.
"Gano'n ba?" nakita naman naming ngumigi na lang si Itzel.
"Umalis din ba ang tatay niyo?" tanong ni Nyx na kakagaling lang kung saan, mukhang kausap niya kanina sa upuan sina Ate Jai at ang kambal.
"Malamang umalis din," Itzel.
"Nagtatanong lang naman eh," nakasalpok ang kilay ni Nyx saka nakanguso pa.
"Alam mo naman 'yan Nyx sapagkat lahat ng haligi ng tahanan ay kailangang magtrabaho sa ilalim ni Presidente Clifford," aniya.
"Oo na, tsk sungit," tumalikod na lamang si Nyx.
"Hay naku Kring," pinuntahan naman ni Monique si Nyx na mukhang masama pa rin ang tingin kay Itzel.
"May sinabi na ba si Boss tungkol sa gagawin?" tanong ni Charles.
"Meron ah? Kanina," sagot ni Veronica.
"Ang ibig kong sabihin kung kailan gagawin?" tanong na naman ni Charles.
"Nakahanda na daw ang mga pampasabog sa mga gusali ng kasabwat ni Clifford, si Napoleon daw mismo ang gumawa at nagplano," mahinang saad ni Veronica.
"Sino ba kasi 'yang si Napoleon?" tanong ni Ralph.
"Anak siya ni Boss Tiburcio na nagtatrabaho kay Clifford," kuwento ko.
Someone's POV
Nandito ako sa gusali ni Mr. Lim Shao, isa itong gusali na pagmamay-ari ng kalaban ni Clifford na hindi pinabombahan sapagkat sabi ni Lim ay sa kaniya na lamang daw ang gusaling ito."Sir?" bigla na lamang akong nagulat namg sumulpot ang kaniyang secretarya galing sa pintuan niya. Nasa opisana niya ako't kakatapos lang naming mag-usap tungkol sa mga susunod nilang plano.
"Bakit?" tanong ko naman na ikinatayo ko.
"Sumunod po kayo sa akin," tumangi na lamang ako pagkatapos kong marinig ang kaniyang sinabi at sinundan siya sa kung saan ang kaniyang tungo.
Nakarating kami sa grand floor kung saan huminto kami sa tapat ng isang pintuan.
"Pasok lang po kayo diyan," wika nito.
"Sige salamat," tumango na lamang ako at seryoso pa rin ang mukha habang nakatingin sa pintuan, inikot ko na ang hawakan ng pinto saka tinulak ko ito, kaagad akong pumasok sa loob at isinarado ito. Nasa isang silid ako pero walang anumang gamit dito kung hindi ay may napansin akong elevator.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...