Monique's POV
Pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko muna sa salamin ang marka ng halik ng manyak na si Kenzo."Hayop ngipin eh, loko talaga 'yong asong 'yon!" medyo nainis na sabi ko.
Hinawakan ko pa ito at saka tiningnan din 'yong isa pa na marka.
"Sarap na sarap siya eh, tsk!"
Pagkatapos nun tinabunan ko na lamang ng aking buhok saka lumabas.
"Sean, anong mga gamot ang kinuha ni Monique?" tanong ni Tatay.
"Nasa bag po yata 'yon," wika niya naman, lumapit ako kaagad.
"Ah nandito po," saka kinuha ko ang mga gamot na nasa loob.
"Masakit ba ulo mo?" tanong ulit ni tatay.
"Hindi naman po," sagot niya din.
"Kailangan kong pumunta sa bayan, baka maubusan tayo ng makakain dito," ani Tatay.
Narinig naming umiyak si Chester.
"Aalis ka tay?" tanong ko.
"Oo," sagot niya naman, nagkatinginan kaming dalawa saka tumalikod na si Tatay.
"Bakit?" tanong ko.
"Masama bang tingnan ang kasintahan ko?" tanong niya din.
"Kuya," tinawag naman ni Sakura si Sean na kakagaling sa kwarto niya.
"Oh bunso?" tanong ni Sean.
"Nakita mo ba ang nangyari sa labas kanina?" tanong ni Sakura.
"Oo bakit bunso?"
"Kasi takot na takot ako kanina, hindi ko alam kung sino ang susundo sa'kin sa paaralan buti na lang dumating si Tito," sagot niya pa.
"Halika dito kay kuya," lumapit naman si Sakura.
"'Wag ka nang matakot," saad ni Sean.
Pagkatapos nun si Sakura ay pumasok sa kwarto nina Nanay saka narinig kong kinakausap niya si Chester.
"Hindi kita napagsabihan, biglang dumating si Sakura," sabi ni Sean na may masamang tingin sa'kin.
"Hoy lalaki galit ka ba sa'kin?"
"Ngayon ikaw pa ang galit," sabi niya.
Nakapamewang naman ako.
"Alam ko papagalitan mo na naman ako dahil sa ginawa ng Kenzo na 'yon," wika ko.
"Patingin," saad niya.
"By?" pagpipigil ko.
"Patingin," napatingin siya ng masama sa'kin.
"Ayaw ko, sabi mo kikiskisan mo ng kutsilyo kapag nakita mo eh," dugtong ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka hinila ako.
"Hindi ko naman gagawin 'yon sa babaeng mahal ko," sabi niya saka hinawi ang buhok ko.
"T@ng1na may ngipin," ani niya.
Tiningnan ko lamang siya habang nakatingin sa leeg ko, saka hinawakan ang kanyang kamay.
"Tama na," pigil ko.
"By," wika niya.
"Tama na nga, masyado ka pang nagagalit sa ginagawa mo eh," dugtong ko. Inayos ko kaagad ang buhok ko saka tumayo ng tuwid.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...