"I volunteer!" natigilan ang lahat nang may nagsalita mula sa isang gilid na ikinalingon ng lahat.
"I volunteer," umakyat siya sa entablado.
"Oh Ms. Yuqrain," ani Prof. Daelus.
Naramdaman ko na lamang na may isang palad na humila sa kamay ko.
"By," bulong ko, napayakap siya sa'kin, at ako din.
"Ligtas ka na," bulong niya sa tenga ko.
"Pero teka sino siya?" tanong ko pa.
"Si Ms. Yuki, isang miyembro din ng Black Dove Gang," aniya.
"Ha? Bakit niya naisipang mag-bulontaryo para sa'kin?"
Pagkatapos ng pagtitipon napagkasunduan naming bumalik na sa mga dormitoryo namin, ngunit hinintay ko si Ate Yuqrain na bumaba sa entablado. Kasama niya na ngayon ang mga miyembro ng gang nila.
"Ate," tumigil sila pagkasalubong ko sa kanila.
"Yes Monique?" tanong ni Ate Yuqrain sa'kin, napalunok laway muna ako.
"B-akit mo-"
"Don't mind it Monique, just thank me," aniya, nagsimula silang maglakad na napapaatras naman ako.
"S-salamat p-"
"You're welcome," nag-ibang daan sila saka tumalikod na, patuloy sa paglalakad papunta sa patutunguhan nila.
"Halika na by," hinawakan na ni Sean ang kamay ko.
"Bakit niya ginawa 'yon?" tanong ko pa.
"'Wag mo nang isipin 'yon by, ang importante ay ayos ka lang, ligtas ka," wika ni Sean, ngunit kahit gano'n ay parang kinakabahan ako.
May isang taong nag-alay ng sarili para sa aking kaligtasan.
Kaya labis akong nagpapasalamat.
Isang konsensya naman ang aking naramdaman.
"Maghapunan na tayo," aniya.
"Tara," sabi ko saka nagsimulang maglakad, lumabas sina Luke at Ralph para puntahan ang mga kasintahan nila kaya malamang kaming apat lang nina Veron at Charles ang magkakasamang mag-hapunan nito.
"Oy," bungad ko naman kay Veron nang makita siyang nakaupo mag-isa at si Charles ay may hawak na trey papalapit na sa puwesto kung saan kami.
Kinabukasan.....
"May klase ako ngayon Jeff," hawak-hawak ko ang cellphone kong nakatuon sa tenga ko.
"Si Sandeng na hanap namin," dinig ko mula sa kabilang linya.
"Talaga?" tanong ko.
"Oo nga," sagot niya din.
"Teka lang maghahanap ako ng puwedeng dahilan," wika ko.
"Lumiban ka muna sa klase, kami nga din ni Elay eh, wala rin namang mangyayaring maganda sa klase," saad niya.
"Idadaan ko na lang pala sa laundry shop ang mga damit namin ni Sean, 'yon na lang ang idadahilan ko," ani ko.
"G-gusto mo ba sunduin kita diyan?" tanong niya sa kabilang linya.
"Baliw, pagseselosan ka lang nun," wika ko.
"Ay, oo nga pala," aniya.
"Sige, tawag na lang ako kapag malapit na ako," saad ko.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...