Kabanata XIII - Sa araw ng batalya

3 0 0
                                    

Kinabukasan.....

Sean's POV
Pagkatapos ng klase kahapon nakita na lang naming may mga nakakabit na malalaking vtr sa covered gym gayon din sa isang gilid sa soccer field, saka sa may entrance ng gate.

Ito daw ang araw ng batalya.

Ibinalita sa telebisyon na pagkatapos ng bunutan ay naging biglaan ang pag-umpisa ng battle of the gang. Ayon kay Clifford masyado lang siyang excited sa gaganaping batalya.

Kaya magiging kawawa ang walang alam sa pakikipaglaban, buti at magagaling ang mga Mobsterrian sa ganoong bagay.

Ngayon na ang araw ng batalya.

Ngunit mayroong klase.

Kakatapos lang naming kumain sa kapiterya habang may binabalita sa may telebisyon dito sa campus ang mga maaaring mangyari sa araw na 'to.

Pumasok na kami ni Monique sa klase.

"Parang hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa araw na 'to," mahinang saad niya.

"Kung walang kabuluhan ang klase ay tatawagin natin ang Black Dove at Raven Stone Gang," wika ko.

"Anong gagawin natin?" tanong niya naman.

"Akong bahala," ani ko.

Nagsimula na ang palabas.

Ipinakilala isa-isa ang mga kalahok, mga pangalan nila at kung saan sila galing na unibersidad o academya.

"From Mobster University!"

"Ahhhhhh!"

Nagsigawan ang mga kaklase naming nandito sa loob ng silid, na rinig ko nga rin sa kabilang mga silid ang ingay.

"Mukhang mas matatagalan tayong manunuod dito, tara pumunta tayo sa rooftop," saad ko.

"Sige," aniya.

"Prof. may pupuntahan lang kami," paalam ko hawak ang kamay ni Monique.

"Okay," sagot nito saka lumabas na kaagad kaming dalawa.

Tila walang ka-tao tao ang paaralan sapagkat makikitang nasa loob ng silid ang lahat.

Napadaan kami sa kapiterya at kita naming nakatutok ang kanilang mga mata sa telebisyon.

Pagkadating namin sa rooftop agad naming isinarado ang pinto.

"Anong pag-uusapan?" tanong niya.

"By, gusto kong yayain ang dalawang gang na sumanib sa grupo niyo nina Boss Tiburcio," buong desisyon kong sinabi sa harap niya.

"Talaga by?" nanlaki ang mga mata niyang may ngiti sa mga labi ang aking nakita.

Tumango naman akong may malapad din na ngiti.

"May number ka ni Ate Xaiche 'di ba? tawagan mo na lang," wika niya.

"Ah mayroon dito," kinuha ko ang cellphone ko saka nag-dial.

"Hello?"

"Ms. W, Sean's speaking nasa rooftop kami, puwede ba kayong pumunta? may pag-uusapan lang sandali," tumingin ako sa mga mata ni Monique na nakatingin din sa'kin.

"Sure, actually we're on our way to school na din naman, wait us there, we're coming," napatango na nga ako.

"Okay po, salamat."

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon