Kabanata XXIV- Sean Wolfgang

14 1 0
                                    

Monique's POV
Nagising na ako na nasa dormitoryo na ako nina Veronica.

Wala nang tao dito.

Mag-isa na lang ako.

"Teka anong oras na ba?" bumulong ako sa sarili saka tumingin sa orasang nakakabit sa taas.

"Alas syete na?!" napatayo ako bigla.

"Takte!" hindi man lang ako ginising ni Veronica.

Pagkalakad ko biglang bumukas ang pintuan.

"Bakit hindi mo ko ginising?" tanong ko bigla.

"Kalma ka lang sabado," aniya, napakurap naman ang mata ko.

Sabado pala?

'Di ko namalayan ang araw.

"Monique," napasilip ako sa pintuan kung saan nasa pintuan sina Ralph, Luke at Charles.

Sa pagkakasilip nilang tatlo may isang bagay akong naalala.

Flaskbacks.....

Biglang nakarinig kami ng katok sa pintuan.

"Ako na bubukas," sabi ni Veronica saka naglakad papunta sa pintuan.

Pagbukas niyang nakita kaagad namin sina Charles saka Ralph.

"O bakit nandito kayo?" tanong ni Veronica.

Napasilip sila sa likuran ni Veron kung saan tumama ang tingin nilang dalawa sa'kin.

"Si Monique ba?" tumabi naman si Veronica kaya tumayo ako.

"Bakit?" tanong ko pa.

"Si Sean," ani Ralph.

.................

Nakita kong nilapitan nina Ralph at Charles si Sean.

At biglang sinuntok ni Ralph si Sean sa mukha.

Lumapit na ako habang nagpupumiglas kina Veronica at Luke.

"By!"

"SEAN NANDITO AKO!"

"Bakit ka bumalik?"

"Okay ka lang ba?"

"I'm sorry," bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit na halos lumutang ang pakiramdamam ko sa hangin.

"I'm sorry pero gusto ko nang makawala, I'M BREAKING UP WITH YOU," sa sobrang higpit ng yakap niya niyakap ko siya pabalik.

"Hindi maaari!"

"Hindi maaari Sean!"

"Hindi maaari!"

"Kapag binitawan kita Monique,
Kapag binitawan kita mula sa mainit kong yakap, Kapag pinakawalan na kita sa mga bisig ko- MALAYA KA NA,"

Umiyak na ako ng sobra habang unti-unti siyang kumakalas sa yakap naming dalawa.

"HINDI!"

"MAHAL KITA MONIQUE, MAHAL NA MAHAL," hindi ko pa siya binibitawan ngunit pinagpipilitan niyang ilayo na ang sarili niya sa'kin.

Tuluyan niya akong pinakawalan.

"Monique!"

Flashback ends.....

Naramdaman ko ulit ang sakit sa damdamin ko.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon