Kabanata XI- Insayo

14 0 0
                                    

Monique's POV
Ayos na ako ngayon. Kasalukuyan kaming nasa soccerfield para sa isang pag-iinsayo.

"Omygosh! I'm so excited about the annual battle of the gang," ani Zelena na inuunat ang mga kamay.

"Me too," sagot din ni Drein habang nag-uunat din ng kamay.

"Hmmp! I feel nervous, sa tingin ko hindi maganda ang puwedeng mangyari," wika ni Elaine na nakatingin lang sa dalawa.

"You're so coward talaga minsan Elaine," sagot ni Zelena.

Maya't-maya ay dumating na ang tagapagsanay namin. Siya 'yong maestro ni Luke sa taekwondo at may kasama pa siyang dalawang lalaki.

Una'y nagpakilala sila. Pagkatapos ay nag-stretching kami, saka tinuruan ng mga basic self-defense.

"Five minutes break muna," ani ng maestro namin saka nagsimula nang tumabi ang mga kaklase namin na kanina'y nakapuwesto sa harap ng mga tagapagsanay.

"Gutom ka?" tanong ni Sean.

"Hindi naman, uhaw lang," saad ko.

"May tubig ako dito, ano? sabihin mo kung gutom ka talaga, bibili ako," wika ni Sean.

"'Wag na by, limang minuto lang naman ang binigay," sabi ko.

"Oh ano ngayon? Bibili ako-" aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"Ayos lang ako," ani ko.

"Sigurado ka ha."

"Oo nga."

Pagkatapos ng limang minuto ay nagsimula na naman kami.

Sinusunod namin ang kung anong tinuturo sa amin, isa-isa kaming nagsagawa ng steps.

"Makinig ang lahat! Sa mga hindi nakapanood ng telebisyon kanina lang, sinabi ni Presidente Clifford na sa araw na ito mag-insayo lahat ng mga estudyante at magkakaroon ng bunutan ng kani-kanilang mga pangalan, kung kaya't mamayang gabi ay magkakaroon ng pagtitipon," kaagad nawala ang tunog mula sa speaker.

"Bakit tila nagmamadali si Clifford?" tanong ko kaagad.

"Hindi siya makapag-antay sa kaniyang mga balak gawin," aniya.

"Narinig niyo ang sinabi ni Prof. Daelus? Sa araw na ito, buong araw kayong mag-iinsayo, at mamayang gabi, magkikita ang lahat para sa gaganaping bunutan ng pangalan," saad ni maestro.

Biglang kumalat ang mga estudyante sa paligid.

"Dito!" napapasigaw pa ang isang guro na nauunang maglakad papunta dito sa soccerfield.

Tinuruan na ang mga bagong dating kahit bakas sa mga itrusa ng ilang mapuputla na.

"Hey," napalapit sa'min si Ate Xaiche.

"We need to talk," Luke.

"Ano nang gagawin?" sumabat din si Ate Cherish na nakasunod sa likod niya.

"Mamaya, pagkatapos ng pagtitipon, mauuna kaming lumabas ng gate at magkita na lang tayo sa kalye 14," agad silang tumalikod na matapos tumango si Sean.

"Sige," huling wika ni Sean saka nag-umpisa na naman sa pagturo si maestro.

"Laban!"

"Laban!"

"Laban!"

'Yon ang magkasunod na maririnig matapos ang pagtuturo ni Maestro.

Suhestiyon ng mga estudyante na maglalabanan.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon