Jai's POV
Nakabihis na ako kaya lumabas na ako sa banyo, nagtungo na ako sa pinto palabas sa kuwarto.Nasa hotel pala kami?
Na saan na si Popoy?
"Ang mga kapatid ko?" napaptingin ako sa mga pintuang magkakarap lang.
"Na saan na sila?" bulong ko pa na nanginginig na naman ang mga kamay, laking gulat ko nang may lumabas sa kabilang pintuan at nakita ko si Popoy kasama si Reign at si Leigh na halos putlang-putla pa rin.
"Anong nangyari? S-sinaktan ba kayo? Na-nagalaw ba kayo? S-sino ang kga lalaki-"
Nakita kong naglakad si Popoy sa tapat ng pintuang katapat lang ng kuwarto kung saan sila galing.
"Ayan," wika pa nito na tumambad ang lalaking hubad na nakatali sa kama, ikinalaki naman ng mga mata ko at umiwas ng tingin.
"Kailangan pa talagang ipakita?" nanliit bigla ang mga matang tumingin kay Popoy na ngising-ngisi sa'kin.
"Walang may nangyari sa'min ate, naramdaman yata ang langit nang sipain ko ang pisbol niya," nakapamewang pa si Reign saka sinapo amg kamay sa ulo.
"Oh ikaw Leigh?" tanong ko naman sa kapatid kong parang walang ekspresyon ang mukha.
"Leigh?" hinawakan ko ang dalawang braso niya.
"Ate," napapikit ito kasabay ng pagkatumba, buti na lang at nahawakan ko.
"Leigh!" tumaas na ang boses ko saka lumapit si Popoy para buhatin si Leigh.
"N-nagalaw p-o yata," nanginginig ang boses ni Reign saka pumasok sa kuwarto kung saan sila galing kanina.
"Walang hiya ka!" pinagsusuntok niya ang lalaking manyakis na hawak ng dalawang kasamahan ni Popoy kanina.
"Reign tama na," pinigilan ko nan siya.
"Sila na ang bahala sa tatlong lalaki," dinig kong saad ni Popoy na nasa pinto.
"Sa ngayon kailangan niyong ma-iuwi ang inyong kapatid," dugtong niya.
"Sige, siguraduhin niyong maikulong ang mga 'yan," taas kilay na ani ko saka kinuwelyuhan ang lalaki isang lalaki saka binitawan.
"P^tang/na niyo, hayop kayo," matigas na saad ko saka dinuraan sila at lumabas na kami ni Reign.
"Paano mo kami nahanap?" tanong ko sa kaniya.
"I saw your car somewhere, it's look like familiar for me kaya huminto ako at tiningnan ang kotse, inalam ko kaagad kung saan kayo dinala," aniya.
"Paano 'yong iba?" tanong ko pa, bumaba na kami sa elevator, gabi na pala, dumiretso siya sa isang kotseng alam kong sa amin, kaagad kaming pumasok, isinakay niya na sa kotse si Leigh habang si Reign naman pinahiga ang ulo nito sa kaniyang kandungan.
"Hindi natin sila matutulungan," sagot niya din na ikinatitig ko sa kaniya, habang nasa labas pa rin.
"Ha? Paano sila?" gulat na tanong ko.
"Sumakay ka na, ako na magmamaneho," wika niya saka pumasok sa driver's seat, ako naman ang naupo sa front seat.
"Madami kaming nangangailangan ng tulong mo, bakit-" tiningnan niya ako nang tumunog ang kaniyang cellphone, sinagot niya ito. Nagtama ang aming mga mata saka umiwas siya ng tingin, nilakasan ang tunog nito.
"Ginoong Clifford?"
"Narinig kong may mga tinulungan ka daw na kababaihan?"
"Tama po kayo," titig na titig ako sa kaniyang mukha, nakikita ko kung gaano siya kaseryoso habang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...