Kabanata XXV- Rebelasyon

14 1 0
                                    

Sean's POV
Napapaluha na lang ako habang iniisip ang puwedeng mangyari sa. pamilya nina Monique.

Sina Tito...

Sina Mommy...

Sina Chester...

Saka si Monique...

Masyado akong kinakabahan.

"Hmmmm!" nakatali ang mga kamay sa likuran habang mayroong takip ang bibig at nakapiring ang mga mata. Habang dalawang lalaki ang nasa gilid ko at tinitulak ako para maglakad.

"Ipasok na 'yan sa sasakyan," utos pa ng isa kaya tinulak na ako sa loob at napaupo na.

Popoy's POV
Nakita kong pinasakay nila si Sean sa sasakyan, habang nagtatago pa rin ako sa likod ng aking kotse habang sinisilip sila. Kaagad akong naghanda para sundan sila. Pumasok na din ako sa aking sasakyan saka nagmaneho na. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi sinabi ni Mr. President ng tungkol dito.

Hanggang sa makarating sa kami sa 'di mataong lugar at malayo sa bayan, kung saan kakaunti ang mga naninirahan dito at tago na lugar. Tumigil sila sa maraming kakahuyahang lugar, kaya natigil din ako sa 'di kalayuan.

Anong kanilang kailangan kay Sean?

Labis akong naguguluhan.

Baka may gustong malaman si Dagà kay Sean?

Kung kaya't pinadukot niya ito.

Lumabas silang hila-hila ang isang inosenteng binata, nagpupumiglas ito hanggang sa maitulak siya sa damuhan ng isa sa mga tauhan ni Dagà at sinuntok ito sa tiyan, nakita ko ding nagkakaroon ng sagutan ang dalawang tauhan nito na mukhang ayaw ng isa na saktan ang inosenteng binata. Hinila na din nila ito na halos ikapunit na ng damit ng binata ang pagkakahila nito dahilan para mapilitan itong tumayo.

Naglakad na sila papunta sa kagubatan, naghanda na din ako para bumabà na ng kotse.

Monique's POV

"Monique tahan na Ghurl, baka naman kasi may importanteng dahilan kung kaya't ginawa 'yon ni Sean," saad ni Veronica.

Kanina pa kami nandito sa dormitoryo nina Veronica, nakahiga lang ako habang walang tigil ang pagpatak ng luha.

"Kailangan nating matuklasan 'yon Veron, kailangan kong malaman ang dahilan sa likod ng pakikipaghiwalay niya sa'kin."

Biglang tumunog ang cellphone ko, kaya dali-dali kong kinuha 'yon sa bulsa ko, sinagot ko ang isang unknown number. Tingnan ko muna si Veronica saka ko sinagot ang tawag.

"Loud speak mo," wika ni Veronica, kaya sinunod ko.

"Hello hija? Mayroon lang sana akong kaunting tanong sa iyo," hindi ko alam kung tama ba ang numero na tinawagan niya o kung sinong tao ba siya.

"Nagkakamali po kayo ng numero na tinawagan," sagot ko naman.

"Ay hija alam kong ikaw 'to," aniya.

"Sino po ba kayo at anong pakay niyo?"

"Hulaan mo kung sino-"

"Wowowin ba 'to?" tanong naman ni Veronica.

"Hindi-"

"Hindi naman pala akala namin nanalo kami ng one milyon eh," sagot ni Vernica.

"Woy Veron," natigilan si Veron sa sinabi ko.

"Oh?" tanong niya sa'kin.

"Attitude ka ghurl?" tanong ko pa.

"Hehe sornaman," sagot niya habang nakangiti.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon