Kabanata IX- Kanser

17 0 0
                                    

Monique's POV

"Si Prof. Daelus pa din naman ang principal bala puwede natin siyang makausap, 'di ba? Magplano ulit tayo tulad ng dati," ani Luke.

"Subukan nating kausapin," Charles.

"Kailangan muna nating pag-isipan, delikado tayong kumontra sa nakakataas," kaagad na wika ni Sean.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Ralph.

Alam ko na!

Siguro dapat kong sabihin ang tungkol sa kampo?

O baka naman hindi muna?

Parang hindi pa yata ito ang tamang oras.

"Gutom na ako," mahinang sabi ni Veronica.

"Tara, sa kapiterya tayo," aya ko naman.

Naglalakad na kami papuntang kapiterya.

"Kailangan muna nating pag-isipan ang mga ganito," Luke.

"Paano kung magplano tayo kasama ang Raven Stone Gang saka ang Black Dove?" tanong ulit ni Sean.

"Hmmm- sigurado akong nandito din naman sila," dugtong ni Charles na nakatingin pa sa gilid ang mga mata na tilà nag-iisip.

"Siguro kailangan natin silang makausap," wika ni Ralph.

Naupo na kami at tanging si Ralph lamang ang na natiling nakatayo.

"Anong kakainin niyo?" tanong niya.

"Haha! mabuti 'yan Ralph," medyo natatawang saad ni Luke.

"Ano sa inyo?" tanong pa niya habang nakatingin sa'min.

"Ahhhh weyter, dalawang taco at dalawang milktea na caramel timpla," ani Charles.

"Oy maka-weyter naman parang hindi ako kaibigan ah," nanlaki pa ang mata ni Ralph.

"Ano gusto mo by?" tanong kaagad ni Sean sa'kin.

"Gusto ko ikaw lang," sabay ngiti ko saka nakatingin sa mga mata niya.

"Awieeeeee sana lahat," dugtong ni Ralph.

"Gusto lang ba? Ako nga mahal kita," kaagad niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ano maglalandian na lang ba tayo dito Sean?" tanong ni Veronica kaya may hinigpitan ni Sean ang hawak sa kamay ko.

Tiningnan ko lamang siya.

"Inggit ka?" tanong ni Sean, tinarayan naman siya ni Veron.

"Kahit ano na lang by," sabi ko naman.

"Gusto mo burger?" tanong niya.

"Sige."

"Dalawang burger saka milktea na din."

"Ikaw Luke?" tanong ni Ralph.

"Nachos, sanwits at shake," Luke.

"Sige," kaagad siyang umalis.

Napatingin kami sa paligid na maraming kumakain dito.

Maya-maya lang dumating na si Ralph.

"Kunin niyo na doon, ano? Ako pa magdadala sa inyo?" sabay upo niya.

"Aba," tiningnan naman siya ni Charles sakan tumayo na ito.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon