Kinaumagahan.....
Monique's POV
Bumalik na kami sa paaralan kasi ilang araw kaming lumiban sa klase."Hoy babae saan ka ba natulog kagabi?" tanong ni Drein.
"Sa bahay niyo," sarkastiko kong sagot habang inaayos ang laman ng bag ko, napakadumi na ng dormitoryo namin sa kalat ng mga damit nila sa sahig saka ilang bote ng alak sa ilalim ng kama. Kanina nga pagpasok ko pa lang sumalubong na sa pinto ang dalawang ipis na nag-uusap.
POTEKZ!
Nginitian pa ako ng ipis!
Nakakadiri sila!
Ang dami nilang paa!
Tapos pagpasok ko na dumiretso 'yon sa damit na nasa sahig.
Potekz! Ginagapangan na ng ipis ang mga damit nila!
"Namimilosopo ka ba?"
"'Di naman ako apo ni Pilosopo Tasyo, Oo sana kung kaano-ano niya ako," mahinang saad ko saka nagsuklay.
"Hoy ikaw Monique ha, mag-iingat ka sa mga pinagsasabi mo," dinura muna ni Elaine sa banyo ang kaniyang tinu-tooth brush bago siya magsalita.
"Ingat ako?" dumalikod na ako para umalis na.
"F^ck!" nagmura si Zelena saka hinila ang bag ko kaya umatras din ako hanggang mabangga siya sa pader.
"Ouch!" dama niya ang sakit sa likod.
"Nagdikit ang dalawang pader," ngumiti na ako habang may masamang tingin din sina Drein at Elaine.
"Baka gusto niyo ding dumikit sa plantsa?" napatingin sila sa mga dibdib nila, tuluyan na lamang akong umalis saka pumunta sa kapiterya.
"By," nakita ko si Sean na papunta din sana sa dormitoryo namin.
"Mukhang galit ka?" wika niya saka biglang iniba ko ang ekspresyon ng mukha ko.
"Ah wala 'yon," ngumiti na lamang ako.
"Ano ba kasi ang nangyari?" inakbahan niya ako.
"Nagkaroon lang ng kaunting away sa dormitoryo namin," saad ko.
"Na naman? bakit hindi ka na kang sa dormitoryo nina Veronica?" tanong niya pa.
"Puwede ba by?" tanong ko pa.
"Syempre puwede 'yon pinapayagan nga ang mga lalaking tumulog sa dormitoryo ng mga kababaihan," aniya na ikinatango ko.
"Oo nga 'no?"
Dumating kami sa kapiterya na nakapuwesto na sina Charles at Veronica.
"Si Luke?" tanong ni Sean.
"Pinuntahan pa si Gwen, babalik din naman daw siya," saad nito, umupo na ako.
"Ano gusto mo by?" tanong niya.
"Kahit ano na lang," wika ko din, ngumiti siya saka tumalikod.
"Si Ralph?" tanong ko.
"Pumunta din kay Itzel," ngumiti si Veron.
"Teka lang," tumayo si Charles para kunin ang kanilang pagkain.
Natapos kaming mag-almusal saka kami pumasok sa klase.
Nagklase na ang professor namin sa Earth and Science, saka nagbigay ng maikling pagsusulit.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...