Kabanata XXX- Ang Wakas

41 0 1
                                    

Sean's POV
Kasama ko ngayon si Lim Shao at ang kaniyang sekretarya.

"Today, you're here to discuss something with me. Ito ay tungkol kay Jacxson Clifford. Ang gagawin natin ay simpleng lang. Kapag tinanong kita, kailangan mong pumili ng magiging boss mo. I am saving you, your family, at lahat ng iyong mga kaibigan. Kapag ako ang pinili mo, kahit i-traydor mo si Clifford, hindi ka niya masasaktan. Ako ang bahala sa lahat. JUST CHOOSE ME TO BE YOUR BOSS." napalunok laway naman ako.

FLASHBACK.....

Sean's POV
Nandito sina Clifford at nung tinawag niyang Alfonso, si Kuya Popoy naman kanina, hindi ko na alam ang ginawa sa kaniya, pagkatapos binaril, pinatulog nila ako ng isang malaking hampas ng kung anong bagay, kung saan nagising na lamang ako na nandito na naman sa bahay.

"Anong ginawa niyo kay Napoleon?" tanong ni Clifford sa dalawang lalaki.

"Tinapon na sa ilog Boss," sagot nung isa, nanlaki naman ang mga mata ko.

"Hmmm," hindi ak halos makapagsalita dahil tinakpan nila 'yong bibig ko at tinali ang kamay ko sa likod, habang nakaupo ako sa may upuan.

"Boss ano na ang susunod nating gagawin?" tanong ni Alfonso, 'yong hindi ko kilalang lalaki na tumuro kay Kuya Popoy bilang si Alfonso kanina.

"Alam mo ang lungga nila diba?" tanong ni Dagà kay Alfonso.

"Opo," sagot nito.

"Sige, maghanda para sa isang maliyab na paglusob," napatingin ito sa direksyon ko.

"Hindi muna kita papatayin hijo, lakas ng dugòng nanalaytay sa katawan mo, alam kong magagamit pa kita," aniya saka ngumisi, napasampok na lamang ang kilay ko.

Pagkatapos nilang mag-usap sandali nila akong iniwang nakatali sa likod ang kamay na nasa upo sa upuan, nakatalikod ako sa bintana.

Napatingin ako sa dalawang naglalakad papunta sa sala na nag-uusap sa mga kung anng bagay na malang ay mga plano nila sa pagtunton ng kampo.

"Sean," ikinatayo ng balahibo ko ang pagkakarinig ng isang boses.

"Kuya?"

"Buhay pa ako, iiwan ko sa'yo ang cellphone ko, may laman ito ng lahat ng anumang bagay na napakaimportante, nabasa siya nung nasa ilog ko, ngunit ang impostante dito ay ang memory card, bibigay ko ito sa'yo, tatakas ako dito, nasa akin pa ang susi ng kotse ko sa kalsada," lahat ng sinabi niya ay isinaisip ko, at tinandaan.

"Itong na ang cellphone ko," ihinulog niya sa damit ko sa likuran, muntikan pa itong mahulog ngunit nasandalan ko ito, ginamit ko ang kamay kong nakatali sa likod ng upuan para kunin ang cellphone saka tinunton ang lagayan ng memory card, gamit ng case na nasa loob ang maliit na susi ng android para mabuksan ang lagayan ng memory card, kaagad ko itong kinuha saka inilagay sa bulsa sa likuran ng jeans ko, at hinayaang mahulog ang cellphone sa upuan, sinapa ko ito malayo sa'kin.

"Ayos, alis na ako," paalam ni kuya Popoy.

..........................
Note 10
SI LIM SHAO AY TRAIDOR, NAIS NIYANG PATAYIN SI CLIFFORD PARA SIYA ANG MAUPO SA PUWESTO NITO BILANG PRESIDENTE. NASA PLANO DIN NI CLIFFORD NA PATAYIN AKO KAPAG NALAMAN NIYANG TINRADOR KO SIYA SABI NI LIM SHAO, ANG SINUMAN DAW NA GINAGAMIT NI CLIFFORD AY MAMAMATAY PAGKATAPOS GAMITIN.

FLASHBACK ENDS.....

Si Lim Shao ay isang kaibigang traidor, isa pa 'tong salot sa lipunan.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon