Kabanata V- Pagbabalik ni Dagà

26 0 0
                                    

Kinaumagahan.....

Monique's POV
Nasa eskwelahan ako ngayong hapon at uwian na namin.

"Hindi na ako sasabay, susunduin ako ni sweetheart ko dito," sabi ni Itzel.

"Eh 'di ikaw na," napataas kilay naman si Leigh.

"Tara na nga uwi na tayo," ayà na ni Nyx.

"Sana lahat," saad ni Reign.

Naglalakad na kami palabas ng gate nang makita namin ang kotseng nakaabang sa labas.

"Siya na 'yan mga cyst!" kinikilig na sabi ni Itzel saka mabilis na kumaripas papunta sa kotse.

"Monique!" tawag naman ni Ralph.

"Nagkita na naman tayo Ralph, ingat kayo ha," ani ko nalang.

"Alis na kami," paalam niya, tumango na lang ako at sila'y umalis na.

Kaagad ding dumating ang sundo nina Leigh at Reign.

"Arat na," wika ko saka pumasok na kami sa kotse, nagsimula nang umandar ang kotse at sa tulay kung saan kami palaging dumadaan, sa hindi kalayuan may naaaninag ako.

"Ano 'yon?" tanong ni Leigh saka nanliit ang matang nakatingin sa malayo.

"Parang may mga baril silang dala," wika ko naman habang nakaktingin pa din sa dulo kung saan nakikita namin ang mga armadong lalaki, dala-dala ang mga malalaki nilang armas na nakabantay sa dulo ng tulay.

"Hala?" Reign.

Nakita naming tinututukan ng mga armadong lalaki ang nasa loob ng mga kotse at kaagad na lumabas ang tao doon.

"Kuya bumalik tayo," kaagad na wika ni Nyx

"Bumalik na tayo kuya," saad naman ni Leigh.

Napatingin si Kuya nagmamaneho ng kotse sa may salamin na nasa gilid.

"Hindi tayo basta-bastang makakausad kung mayroong trapiko, ma'am," wika ng driver.

"P0t@ maaabutan tayo dito!" kaagad na sabi ni Reign.

"Lumabas na tayo!" ani ko.

Nagkatinginan muna kami saka binuksan na.

"Tumakbo tayo ng mabilis," saad ni Nyx.

"Isa, dalawa-tatlo!" mabilis na tiniwangwang ang pintuan saka lumabas na kami.

"Hoy kayo! Tumigil kayo!" sigaw pa noong lalaking nakakita sa amin habang tumatakbo ngunit pinagpatuloy lamang namin.

"Kuya Bilis!" sigaw ko kay Kuya driver, mabilis din siyang tumakbo.

"Tumigil kayo!" nakakarinig na kami ng putok ng baril at pagtingin ko sa aking likuran ay tinamaan na si Kuya driver.

"Kuya!" Reign.

"Umalis na kayo, iligtas niyo mga sarili niyo!" sigaw ni Kuya.

"Tara na!" sigaw ni Nyx saka hinila na ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Reign.

"Tumakbo lang tayo!" napasigaw na ako.

Malapit kami sa malaking gusali ng mga kilalang negosyante, isang malaking pagsabog ang nangyari.

"Ahhhh!" sigawan ng mga tao.

Biglang nagkaroon na naman ng sunig sa gusali at nagsimula na nga itong umapoy.

Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon