Monique's POV
Pagkagising ko ay napatingin ako sa relo ko at nakita ko ang oras na alas-tres pa lang naman, napatayo na lamang ako mula sa aking kama."Teka nga muna, nandito pa ako kina Monique," napahinto ako sa may tapat ng pintuan ko kung saan naririnig kong nagsasalita si Sean.
"Siguraduhin mong makakapunta kayo sa lungga ng Pintakaseng 'yon dahil kong hindi, alam mo na ang mangyayari," nakaloud speak an cellphone niya kaya dinig na dinig ko ang kanilang usapan.
"Oo naman ginoong presidente, alam ko po an trabaho ko," aniya, pagkatapos bigla na lamang napatay ang tawag kaya mabilis akong bumalik sa kama na hindi gumagawa ng kung anon ingay, tumalukbong ako ng kumot, kaagad kong narinig na pumasok nga si Sean sa silid ko.
"Hayyyy Baby, sorry pero kailangan kong gawin ito," dinig ko ang boses niya saka napaupo sa kilid ng kama ko, ginugulo ang buhok kong nakalabas sa may kumot.
Pakunwari akong gumalaw saka nag-unat, kinuha ko naman ang kumot sa may mukha ko saka nakita kong siyang nakatingin sa'kin.
"May sinasabi ka ba by?" tanong ko naman, ngumitisiya saka umiling.
"Anong oras na ba by?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman talaga.
"Alas-tres ng hapon pa lang naman by," sagot niya.
"Kumusta 'yong mga estudyanteng nasa paaralan kanina by?" tanong ko, napatayò na ako sa aking kama.
"Gusto mong makita?" tanong niya pa.
"Oo," sagot ko saka naglakad na kaming dalawa papunta sa sala.
"Sigurado ka by, gusto mong makita?" tanong na naman niya.
"Oo nga by," sagot ko na naman, pinaandar niya ang telebisyon saka doon nakita naming kakatapos lang ng kanilang ginagawang ritwal.
Nagsisilabasan na ang lahat mula sa covered gym, o kaya sa mga simbahang pangdilim 'yong mga tao, napatakip na lamang ako sa aking bibig habang nakatingin sa kanila na parang tulala na laman habang patuloy sa palalakad.
"Para na silang mga Zombie By," sabi saka naaupo sa sofa.
May mga tatak na 666 sa kanilang ma kamay, na mukhang hindi naman totoong tattoo.
"By mag-meryenda ka muna by," napatingin ako sa kaniya na may hawak na trey na mayroong dyus at tinapay dito.
"Sina Nanay?" tanong ko sa kaniya, inilagay niya ang trey sa mesa saka umupo sa tabi ko.
"Si Mommy nasa kuwarto pa din nila, si Sakura naman nasa kusina nag-aaral habang nagmemeryenda," sagot niya.
"Si tatay?" tanong ko pa.
"Nagpaalam kanina, may trabaho pa daw eh," sagot niya.
Napapapikit na lamang ako saka huminga ng malalim.
Anong nangyayari?
Tila hindi na kami makakaligtas sa ganitong sitwasyon.
Mukhang delikado na kaming lumabas.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Sean na hianawakan ang kamay ko, inilagay niya ang kabilang kamay niya sa bibig, sumisenyas na manahimik ako.
Kaagad akong tumango habang napatingin sa convert listening device na nakakabit sa kaniyang damit.
May inabot siya sa'king isang papel, tumango na lamang ako habang mahigpit pa din ang hawaka niya sa aking isang kamay, kaagad niya itong binitawan kaya binuksan ko na kung ano ang laman ng sulat.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
AçãoMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...