Monique's POV
Biglaan ang pagpatawag ni Boss Tiburcio ng pagpupulong, para sa'ming mga matagal nang miyembro ng kaniyang grupo."Tumatayo ako sa inyong harapan para sabihin na kailangan nating umalis na dito, sapagkat malapit nang matunton ni Dagà ang kampo," mayroong panginginig sa boses ni Boss, tila hindi ito normal para sa isang kilala kong pinunò naming matapang at may katigasan sa pagsasalita sa harapan naming lahat.
Tumaas ako ng kamay, nabaling naman ang kanilang paningin sa akin.
"Monique?" tanong nito sa'kin.
"Anong kahinaan niyo po ba ang nasinghot ng dagà, mukhang iba yata ang tindig mo ngayon Pinuno?" tanong ko naman kaagad, huminga ito ng malalim saka nagsalita na naman.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Daga ngunit ginamit niya ang aking anak para paluhudin ako't pahalikin sa kaniyang mga maduduming paa," sagot nito.
"PO?" tanong ng karamihan.
"Si Napoleon po?" tanong naman ng isa, ikinatango naman niya ito.
"Oo hawak niya ang aking anak," wika nito, biglang dumagundong ang puso ko. Si Kuya Popoy?
Hindi magandang laban ito.
Kasama niya si Sean.
"Kaya kailangan na nating umalis dito, lahat ng pampasabog, mga materyales at kinakailangan para sa gaganaping digma at pag-aalsa, kailangang dalhin kung kinakailangan," sagot nito, tumalikod na siya kaya kumilos na kami.
"Sige tara na," sagot ko din saka huminga muna ng malalim bago kumilos.
Nasa kalagitnaan kami ng pagliligpit ng mga gamit namin nang bigla na lang may narinig kaming sigaw galing kung saan.
"Tulong!" sigaw nito na ikinabaling ng tingin namin, tiningnan namin 'yon nina Jeff at iilang nandito.
"Kuya Popoy?" nanliit ang mga mata ko habang naglalakad ang lalaking lumabas sa kung saan, natumba na lamang ito bigla.
"KUYA!"
"TULONG!" sumigaw kaming pareho ni Jeff saka napatakbo sa kaniya.
May tama siya ng bala sa tiyan, may mga nagsilapitan din sa'min, nagsitabihan silang lahat dahil dumaan si Boss.
"Anak!" napasigaw ito at nilapitan ang anak.
"Tay," ani Kuya Popoy.
Pagkatapos nun, ginamot nila si Kuya Popoy, naging maayos naman siya, hanggang sa may naririnig na lamang kaming mga putok ng baril.
"Anong nangyayari?" tanong bigla ni Elay, nagsitinginan na kami sa may pintuan, nagsilapitan na kami sa bintana upang sumilip.
"Boss may sumasalakay pong mga militar!" sigaw nang kakapasok lang na lalaki galing sa labas, hinihingal at pinagpapawisan ito.
"Kunin ang mga baril," saad ni Boss saka kumilos na kami para kunin ang mga baril sa may malapit na taguan dito.
Kada isa sa amin ay may hawak na baril, nanatingin pa ako dito habang dinig ko ang ingay sa dibdib ko.
"Huwag kang matakot Monique, kung ito man ang unang beses mo para makapatay ng tao, gagawin mo 'yon para protektahan ang sarili mo, alam mong kaya kitang iligtas pero hindi sa lahat ng pagkakataon kasama mo ako," narinig ko naman saad ni Jeff, tiningnan ko lamang siya saka nginitian.
Tumango na si Boss kaya naman, habang nakasilip kami sa may bintana, nagsimula na kaming bumaril.
Nagsisitumbahan na lamang ang mga militar na nasa labas habang kami'y patuloy sa pagbaril.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...