Monique's POV
Pumunta kami sa ospital nung malaman naming na aksidente si Leigh. Nandito kami nagdadasal para sa kaligtasan niya.Not until.
Lumabas na ang doktor saka kinausap ang mga magulang nina Leigh, lumapit kami para makinig.
"I'm sorry Mr. and Mrs. Diamsen pero hindi po kinaya ng inyong anak," huling sabi nito na mas lumakas ang iyak nila pati ang magkapatid.
"Hindi!" Ate Jai.
"Hindi puwede," Reign.
"Malakas po ang impact ng pagkatama sa ulo niya, kaya hindi niya kinaya, excuse me," umalis na ang doktor habang 'di rin namin maiwasang umiyak.
Tumutulo na talaga ang mga luha sa'king mga mata.
Nandito ang mga kaibigan ko ngunit dalawa lamang sa miyembro ng Spades ang kasama dito, sina Sean at Ralph, habang patuloy sa pag-iyak ang mga magulang at kapatid ni Leigh, na si Ate Jai ay nakayakap pa kay Kuya Popoy saka humahagugol ng iyak si Reign na parang bata.
Malungkot din ako sa sinapit ng kaibigan namin, mayroong hapdi sa puso ko ang aking nararamdaman.
Nang mahimasmasan na sila ay doon pa lang kami nagpaalam, niyakap namin ng mahigpit ang magkapatid para medyo mapawi ang lungkot nila.
"Condolence Ate, alam kong mahirap tanggapin ngunit kailangan," bumulong na lamang ako sa tenga ni Ate Jai, habang naramdaman ko din ang kamay ni Reign na sobrang lamig na nakahawak sa'kin.
"Salamat Monique," nakita kong magà ang kaniyang mga mata saka nagpakita ng mapait na ngiti.
Napayakap din ako kay Reign.
"Nandito lang kami," bulong ko pa.
"Salamat Monique- Salamat sa inyo," aniya.
Nagpaalam na kaming umalis kasi maghahapunan pa kami.
"Sa school tayo matutulog by?" tanong ko.
"Oo," sagot niya din.
"Sumabay na lang tayo kay Ralph, dederitso siya sa school eh," saad niya.
"Sige tara na," naglakad na kami papunta sa kotse ni Ralph.
Nung makasakay na kami naramdaman ko na lang na hinawakan ni Sean ang kamay ko, sa kaniyang mainit na palad naramdaman ko ang kuryente na mula noon hanggang ngayon ay nandito pa rin, dumadaloy ito papunta sa puso ko kung saan naririnig ko ang lakas ng tibok nito na umaalingawngaw pa rin sa tenga ko.
Napasandal siya sa balikat ko habang pinipisil ang palad ko.
"Hindi ko inaasahang mangyari ito," aniya.
"Na bigla nga din ako," sagot din ni Ralph.
"Haist," napabuntong hiningan na lamang ako.
"By?"
"Hmmm?"
"What if isa ako sa mga na recruit-"
"Ayaw ko by," biglaang sagot niya.
"What if lang naman eh, what if magbunga ang ginawa sa'kin?" bigla niya akong tiningnan na nagtama ang mga mata naming dalawa.
"Hindi ko alam kung ano amg mararamdaman ko by kasi hindi ko pa alam ang feeling ng gano'n ngunit dahil mahal naman talaga kita, kahit hindi sa'kin 'yong bata, ako ang tatayong ama para sa kaniya-"
"Asus nakita mo lang 'yan sa teleserye eh," ikinatingin namin ang pagsabat ni Ralph sa usapan naming dalawa.
"Ba't ka ba sumasabat diyan?" medyo nainis na ang boses ni Sean.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
AçãoMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...