Kinabukasan.....
Monique's POV
Kumain na kami, hindi na dito natulog sina Ate Xaiche sa halip ay umuwi sila ng Black Dove at Raven Stone Gang, kami naman ng Spades ay dito na natulog sa kampo.Kagabi natulog kami sa isang silid at humiga banig, katabi ko sina Aleng Tereng, Elay saka Veronica. Habang nasa kabilang silid din 'yong mga lalaking kasama namin.
"Magsimula tayo," wika ni Boss na nakatayo sa harap namin, may mga suot kaming face shield, gloves at mask.
"Narito ang mga materyales para sa paggawa ng bomba," Boss Tibò.
"Ang gagawin sa bomba ay gagamitin para pasabogin ang mga gusaling kasabwat ni Clifford upang isipin nilang kinakalaban sila ng Presidente," kinuha ni boss ang mga kawad.
"Ang anak kong si Napoleon ay may alam sa mga plano ng Clifford at sigurado akong isa ito sa mga plano niya kung kaya't ginawa natin itong paraan para ipalabas na kalaban sila ng gobyerno," kuwento niya, napapatango naman si Sean.
"Monique, gusto mo bang makita ang Presidente?" tanong ni Jeff sa'kin.
"Sige, ayos lang ba?" tanong ko pa.
"Syempre naman," napatingin pa siya kay Sean.
"Sama ako," sagot ni Sean.
"Sumunod kayo," aniya saka sinundan namin siya sa silid kung saan nakahiga ang presidente at tulog.
Kita ang itsura niyang mukhang hindi lang siya kawawa, kaawa-awa talaga. Naramdaman kong sa puso ko ang panlalambot na parang maiiyak ako nang masilayan ang kaniyang sitwasyon.
"Nakita siya namin sa dumpsite, bugbog ang katawan, maraming tinamong pasà saka nakita naming galing basura din ang mga kinakain niya," kuwento ni Jeff.
"Hayop talaga si Dagà," mahinang sabi ko.
"Walang awa," saad naman ni Sean.
Nakita naming iminulat ng Presidente ang kaniyang mga mata.
"Tawagin ko muna si Nanay," wika ni Jeff.
"Sige," ani ko, naglakad naman si Jeff paalis dito.
Sa kaniyang pagbalik inalalayan nilang dalawa ni Mang Boy, si Presidente Igor maglakad papunta sa pinagtitiponan para sa mga ilang katanungan tungkol sa nangyari sa kaniya.
Presidente Igor's POV
Naalala ko nung hulingFlashbacks......
Nagkalat na ang mga militar sa palasyo.
"Bantayan ang Presidente," dinig ko mula sa woki-toki ng isa sa mga militar ang nagsalita dito.
"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko.
"May mga lumalapit pong tulisan dito sa palasyo."
"Ano?" ikinalaki ng mga mata ako ang aking na rinig.
Nagkaroon na ng palitan ng mga bala sa kani-kanilang mga armas.
Dinig ko na unti-unti nang umaakyat ang mga kalaban sa babà, papunta kung saan ako naroroon.
"Anong kailangan niyo? Bakit niyo ginagawa ito?" tanong ko pa sa hindi makapaniwalang nangyari sa akin. Naaaninag ko na ang anino ni Jacxson Clifford, isa sa mga kilalang anak ng bayan na siyang kanser din ng lipunan.
BINABASA MO ANG
Ginahasa Ako!: Pag-asa ng Bayan
ActionMatapos ang mga pangyayari sa nakaraan, nagbabago ngayon si Monique Alferez. Muling haharapin niya ang isang matindi at malaking hamon laban sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan, handang masalanta ang lahat kahit pa ang kanyang sariling buhay. Ito...