Hallyx ↓ 1: Alone

188 14 23
                                    

Alone
Hallyx's POV

Kung ako magkakapera, mamumuhay ako sa Baguio nang mag-isa. Gigising nang mag-isa tapos tutulog nang mag-isa. Mamasyal at magsasaya nang mag-isa hanggang sa akong mag-isa ay magiging dalawa.

Ibig sabihin lang naman ay ako na mag-isa ay makakahanap pa ng isa. Kung saan sabay kaming tutulog at gigising. Paulit-ulit, kami lang dalawa. Sabay naming dadamhin ang malamig na hangin ng Baguio.

Bakit ba Baguio? Wala, malamig eh. Parang nasa ibang bansa lang; parang wala sa Pilipinas dahil. . . ayoko rito. Gusto ko sa malayong lugar kaso, ako 'tong ambisyosa na wala namang datung sa bulsa, na imbis na ibang bansa ay ginawa na lamang Baguio. Bakit? Malamig rin naman ah. At bakit naman gusto kong mag-isa? Kasi iiwan na ako ng natatanging tao na sinasandalan ko kaya iyon... tutumba na ako.

Feeling Alone?

Hindi naman ako mag-isa, sa katunayan ay pinalilibutan ako ng mga kasing edad ko na nakasuot ng ball gown at tuxedo.

Nakaupo ako sa tabi habang nakahalumbaba. Bukod sa mabigat ang buhok kong may spray net ay ang bigat rin ng loob ko na pumunta rito. Para akong agent na tahimik na gumagalaw: walang nakakapansin, tapos ang misyon ko ay isa lang: 'Yon ay ang magsaya.

"Gago, Hallyx! Ikaw ba 'yan? Usapan make-up lang ba't parang nagparetoke ka?" sigaw ni Yob.

Kaklase ko siya na 18 na beses nang na-guidance at limang bases ng na baranggay. Bakit? Basta, itanong 'yan sa bibig niyang walang modo. Mas gugustuhin ko pang maglabas ng tae ang bunganga niya kaysa mga barumbadong salita.

"Maganda kaya, pare sinayaw raw yan ni Hilton tapos isinayaw rin ni Kobi tsaka . . . kakatapos lang siyang isayaw ni Marc," usal ng isa sa mga buntot ni Yob.

Naalala ko na, iyong Hilton ay ang 'King of Prom' habang si Kobi at Marc naman ay kasama sa Top 10 Prince of the Night nitong ball.

Sa kanilang tatlo ako nakipagsayaw pero. . .
pumayag lang naman akong makipagsayaw kay Kobi dahil lagi siya ang sumasagot ng lunch ko, habang si Hilton naman: Sa katunayan sa gabing iyon lamang niya ako pinansin. Niyaya nito akong sumayaw sa harap ng nanay niya. Naisip ko nga na kapag tinanggihan ko si Hilton, e may sampal akong makukuha sa Mommy niyang taas-kilay at kisap-diyamante.

Itsura pa lang kasi ng nanay niya nakaka-intimidate na: para itong haciendera na may ari ng ekta-ektaryang lupain; nagsusuot ng mamahaling kasuotan; at tumataginting na alahas. Tatanggi ba ako sa harap niyang 'yon? Baka hampasin ako ng pamaypay nitong 700 ang halaga.

Nakumpara ko tuloy ang sarili ko sa kanila.

Iyong gown ko ay 1,800 pesos lang, tapos libre na sa make-up, napagastos pa ako sa spray net. Ayaw ko ng ganoong event: nakakasura ang make-up at talagang halos hindi ko afford lahat. Akala ko nga ay hindi ako makakasama sa prom pero, sa kasagsagan nang paglilinis ko sa kwarto ni kuya, ay may biglang pumasok na bakla sa bahay at sanabi na aayusan daw ako para sa ball.

At sa likod ng nakakabiglang pangyayaring iyon ay si Papa.  Pinag-ipunan niya ito kaya wala akong karapatang umuwi nang may busangot sa mukha.

Paano ba ako sasaya, kung si papa na isang senior citizen ay nagkayod-kalabaw, para sa araw na 'iyon: ang parehas na araw na siya ay naghihinalo sa sakit?

Paano? Paano ako sasaya?

"Tang'na, Hallyx iiyak ka na naman. Walang kang pang-retouch," bulong ko sa sarili.

Ayaw kong lumapit sa mga kaibigan ko dahil ang sasaya nila. Kanya-kanya silang kuha ng picture, 'yong iba: nagsasayaw, may nakaupo, at mayroong kumakain. They were having fun habang ako---

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon