33: Just

16 8 3
                                    


This is the past happening, continuation ng POV ni Hallyx matapos nang halikan nila sa daan, explain ko lang 'yong sa pera at kung bakit siya tumalon. Trigger Warning. Heavy scene and su¡cide...

Just
HALLYX'S POV.

Nakakapanghina.

Ano ba'ng una kong pro-problemahain? Bakit sabay-sabay? Marathon ba? Unang makasaksak sa puso ko ay ang siyang panalo? Sasabihin ko na, 'And the winner is... Pal!'

Naglalakad ako sa hallway na napupuno ng mga matang nanghuhusga.

Ako ang putahe.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok ng room. Huli na ako sa klase kaya't pumasok ako kasabay ng pagsintabi.

Nilapag ko kaagad ang pera sa mesa ni Mrs. Lucas. Ang apat na libo na bigla na lamang sumulpot sa bag ko.

"Seat with Anisa, seems like your problem is not mababaw lang," usal ni Mrs. Lucas. Sinundan ko ng tingin ang mata niya. Sa gawi ito nang naka-ub-ob na si Juvani at tila patay ngayon ang presensya niya.

Hanggang sa pag-upo ko ay nakatingin lamang ako sa kanya. Tumunghay lang siya n'ong nagsimula na ang klase at walang emosyon ang mukha niya.

Ito na ba ang resulta nang pagkakahalik niya kagabi?

Sinabihan niya ako ng I love you at ang sinagot ko lamang ay ang kasinungalingan na magiging masaya ako kung kakalimutan na niya ako.

Possible ba 'yon? Nakakalimutan na ba niya talaga agad ako?

Lunch.

Wala siya sa room, hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Ang pinakamalapit na pwesto lang na nagawa ko sa kanya ay ang segundong pamasok ako sa room.

"Hindi ka naman niya siguro kayang iwasan?" tanong ni Anisa at sumubo ng kanyang pagkain. Nakaharap ako sa kanya at panay buntong hininga.

"Dahil ba sinabi kong magiging masaya ako kapag iniwasan niya ako?" tanong ko sa isip.

"Kung ako sa inyo, ipaglaban niyo! Hallyx matalino ka at yayaman ka pa. Kayaman na lamang lagi ang pinapairal. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may lahing gan'on si Hilton."

Natahimik ako. Kayaman ba talaga? Nagsimula na ako  konklusyon na kalusugan talaga ang dahilan eh. Mental Health...

Buhay

Buhay ni Nothing ang pinahahalagahan ni Mrs. Ingresio. Kaya't lumalayo ako sa kahibangan sa akin ni Juvani. And seems like lumalayo na rin siya sa akin  dahil  sinabi kong sasaya ako.

Ayaw kong madamay siya sa kaguluhan ng buhay ko. Paano ko siya mamahalin na puro ganito ang pangyayari sa buhay ko. Si Pal? Hindi ko pa rin siya ma-contact. Natulog ako sa kweba pagkatapos ang sagutan namin ni kuya tungkol sa pera na ngayon ay naayos ko na dahil sa biglaang pagsulpot ng apat na libo. Sa mga isipin ko ay hindi ko na kayang intindihin kung kanino iyon galing.

Isama pa sina Anisa at Hilton na nagkakalabuan dahil sa akin.

"Anisa, mahal ka ni Hilton... Isipin mo na lang na pa'ng libro o teleserye lang ang conflict na langit siya at lupa ako. Sa tingin ko meron pa'ng dahilan kung bakit hindi niya ako ginusto," pagbibigay ideya ko.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon