Juv ↓ 2: Solo

71 14 25
                                    


Solo
Juv's POV



"Gago!" she shouted.

How it felt? It was hurtful. Imagine, you planted a rose on a simple soil, and you take care of it for so many years, then suddenly one foot rest upon it, many times.

It hurts!

Namalayan ko na lang ang paa kong tumatakbo palayo sa kanya.

Nakakahiya, I just put down my pride for her to mess it.

Hindi pa natatapos ang kahihiyaan kong iyon dahil may isang bato sa lupa ang nakapagpatumba sa akin dahil sa ginawa kong pagtakbo.

Kaya kong kalkulahin at sabihin ang ilang bagay, kasama ang pwersa na nagpatumba sa akin, pero hindi ko kayang alamin o sabihin kung ano ang nagustuhan ko sa babaeng iyon, at gan'on na lamang ako kahulog sa kanya.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kinaya. Ba't nga ba ang payat ko? Kahit ba calories na kakainin ko ay kailangan ko na ring i-compute?

"Tatakbuhan mo ako? Pagkatapos mong umamin na gusto mo ako ay tatakbuhan mo ako? Pagkatapos mo akong kaladkarin dito para umamin ay tatakasan mo ako?" tanong niya.

It was dim. There were less than ten post lights that surrounds us in that open field. Sapat na rin iyon upang makita ko ang ngisi niya sa akin. Ako na nakasalampak sa lupa.

Ang ngisi niyang 'yon ay nakikita ko lamang kapag nauuna siya sa pila tuwing lunch kasama si Kobi. 'Yong ngisi niyang 'yon ay katulad ng siya ang may pinakamaraming points sa laro ng volleyball noon. Ang ngisi niya ay kaparehas noong araw na napa-office niya si Yob.

Para sa akin naman, ang ngisi niya ay isang ngiti. Anim na oras ang prom night at isang beses ko lang siyang nakita na ngumiti. Hindi ako sigurado pero parang kanina lang ay nakikita ko siyang naluluha.

"Nadapa ka lang, hindi ka nabaldado at lalong hindi ka napipi. Tusukin ko 'yang mata mo eh!" aniya.

Naramdaman ko ang kamay niya na nasa kwelyo ko, at tinayo ako.

Ano klase siyang babae? I can say that she's a nightmare . . . na magpapagising sa 'yo sa katotohanan na isang kang malaking 'gago' sa mata niya.

"J-just forget."

Totoo ba? Dalawang salita lamang ang kaya kong sabihin? I have all the seconds in the world and I spent three seconds for two words!

"Oo na, nakalimutan ko na hinila mo ako rito para ma-solo ako. Kakalimutan ko na gusto mo ako ma-solo, sa isang kondisyon.... Kakalimutan ko na gusto mo akong ma-solo, basta gawin mo yong gusto ko. Promise kakalimutan ko nang gusto mo ako---"

"Are, are you aware that you repeated it multiple times? Memorizing it, yes?" sabat ko.

Sa apat na taon ng high school ay iyon ko pa lang siya nakausap. Puro tingin lang ako mula sa malayo. Puwede naman pala kaming magkaugnayan pero bakit kung kailan patapos na?

I wondered where she'll spend his Senior year. I wanted to asked but I was too overwhelmed with her presence.

"Ganyan ka ba sa taong gusto mo? Bato ka ba?" tanong niya, pagkatapos ay bahagyang sinuntok ang dibdib ko.

Hindi ko pinansin ang tanong na iyon dahil naalala ko ang kundisyon na nabanggit niya.

Imposible naman na makalimutan niya 'yong sinabi ko na gusto ko siya ma-solo. Ang naisip ko ay may gusto lang siyang gawin or ipagawa at kailangan niya ako.

"Tell me... the condition."

Martyrdom.

That was the night that really agreed with me. Makausap siya ay okay na ako: kumpleto na ang Junior High School ko.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon