7: Cared

28 9 0
                                    

Cared
Hallyx's POV

Kung tatanungin ako kung ano ang simbolo ng kalungkutan para sa akin? Bahay.

Bahay lang naman kung nasaan ang kuya ko. Hindi ko nga alam kapag nasaksak siya ay dugo pa rin ba ang aagos mula sa kanya. Sapalagay ko kasi ay puro alak na ang dumadaloy sa katawan niya. Ang katawan niyang maskulado at hindi na nagtratrabaho. Certified tambay, part time job niya ang mag-entertain ng babae sa kwarto at magdamusak doon.

Kailangan ko siyang pagsilbihan. Kakawa si papa eh, si kuya na lang ang natitirang dugo't laman niya kaya siguro kahit alam niyang mahirap, sinabihan niya ako na alagaan ko si Kuya. Una kasi may nakikita daw si Papa na pag-asa kay kuya at pangalawa baka daw maibalik ko si kuya sa dati niyang anyo. Possible ba'ng maputol ang sungay?

"Lyx, pati rin naman ako ay umaasa na magbabago 'yang kuya mo. "

"Ikaw na nga 'tong nabugbog, ikaw pa 'tong tumaas ang pag-asa na lumiit ang sungay ni kuya. 'Yong totoo nasarapan ka ba sa bugbog niya?" tanong ko kay Baklit. May pasa pa siya sa mukha.

"Lyx naman, binugbog niya ako kasi akala niya ay dinaya kita sa hatian ng pera. Malay mo, nag-ca-care sa'yo."

"Hindi eh. Hindi." Napatulala ako. May araw na nabastos ako sa tindahan ng mga lasingerong-sabungero tapos... sinugod sila ni Kuya. Hindi dahil nabastos ako kung 'di dahil hindi ako nakabili ng yosing pinapabili niya at ng pagkaing gusto ng babae niya.

Napagbuhatan nga ako ng kamay ni kuya n'on eh. Ang arte ko raw.

"Ganito, gusto mo ba, taasan ko ang porsyento mo?" tanong ni Baklit kaya't napatingin ako sa kanya. "Forty-sixty na para may ma-i-uwi ka sa kuya mo."

Nailing lang ako, dahil... minsan isang libo lang ang nai-i-uwi namin. Kung sixty-forty ay, 600 pesos lang makukuha ni Baklit. Siya na nga ang  gumastos sa damit ko, sa pamasahe ko, sa make-up ko, sa lahat-lahat.

" 'Wag na, Twenty-eighty pa rin."

"Ano ka ba? Itong kabaitan ko na lang ang ambag ko sa lipunan."

Natigil ako sa sinabi niya. He's a gay. Naranasan na rin niya lahat ng klase ng pang-aapi. Sila nga 'tong mga bakla na lahat ng trabaho pinapatos.

"Masipag ka rin."

"Maganda rin ako kaso lagi kitang kasama kaya ako nagmumukha akong dumi."

"Oi, grabe ka naman sa sarili mo. Kaninong dumi ba?"

"Bastos mo naman."

"Ano ka ba? Malay mo dumi ng presidente ng pilipinas."

"Still a dumi, Lyx"

"Wala talagang malinis ano? Lahat dumudumi."

Alam kong parang isang gulong na nag-iba ng direksyon ang sinabi ko.

"Hoy, ang lalim noon ah, Mariana's Trench level. "

"Baklit, anong tingin mo sa akin? Kunwari hindi mo ako kilala, anong i-de-describe mo sa akin?"

"Wait lang Lyx. Q and A portion na pala! Hay nako."

Umayos pa siya ng upo at hinawi pagilid ang bangs niyang kulay brown.

"Thank you for that wonderful question. Kung gagawin kitang laman ng dictionary ang meaning mo ay splendid. Mukha kang anak ng isang negosyate na may-ari ng isang clothing line. Isa kang honor student. Ikaw na may tatlong manliligaw at apat na boyfriend. Isa kang malditang malandi."

"Nasaan kaya si Kuya," pasaring ko upang matakot siya.

"Game na! Warm-up lang 'yon! Start na tayo ng describingtion,."

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon