25: Courtship

18 8 0
                                    

Courtship
Hallyx's POV

"Ano? So, dalawa ang nanliligaw sa 'yo? 'Yong isa, binigyan ka ng bulaklak tapos 'yong isa naman ay hinawakan 'yon para sa 'yo?" tanong ni Baklit habang sinusuklay ang buhok niya na kanina lang ay magulo dahil sa sabunot ko.

Pagkarating ko pa lang sa bahay ay si Baklit na agad ang hinanap ko. Sinabunutan ko talaga siya. Gusto ko pa sanang makitang humiwalay ang anit  sa ulo niya.

Iwanan ba naman ako kasama si Marc.

"Oo, ewan ko pero natuwa lang ako. Kasi, kung sa iba 'yon, 'di ba? Magalit na or tinapon na 'yong bulaklak pero siya," sabi ko na halos nakangiti at may mahinang boses pa ,"dinala niya 'yon para sa'kin. Iba talaga siya, ano? Umuwi rin siya galing Baguio nang malaman na hindi ako kasama r'on kaso... Iyon nga, gan'on lang daw ang madadatnan niya. Kami ni Marc."

" Lyx, unang sabi mo sa akin ay hindi ka pumayag na magpaligaw. Ito pa, dinala niya ang bulaklak at hindi man lang niya naisip magtampo, magalit, at mag-selos. Naku, wala pala 'yan. Crush ka lang ng lalaking 'yan. Binitbit ni, anong pangalan--- Juvani ang bulaklak para sa'yo. Parang sinoportahan pa ni Juvani ang gimik ni Marc. Tapos! Batay sa kwento mo, nabanggit rin niya na gan'on lang pala ang madadatnan niya galing Baguio--- nadatnan na niya pero hindi pa niya kayo kinompronta. Dapat 'di ba, umeksena siya? Hindi niya dapat kayo hinaayan na magkaroon ng sweet moments ni Marc. Ay ang hina naman ng Juvani na 'yan. Papanig ako kay Marc."

Natulala  ako sa sinabi ni Baklit. Bakit parang may point si Baklit? Sa halik pa lang eh, tinalikuran na ako ng gago. Tapos sa bulaklak ay siya pa mismo ang nagdala. Sinabi pa niyang elegante 'yong bulaklak, pinuri niya 'yong bulaklak!

At.... sabagay hindi pa ako pumapayag magpaligaw so bakit ako malulungkot? Teka, malungkot ba ako?

"Hindi," banggit ko na lang. "Okay lang, hindi naman nanliligaw si Nothing. Tsaka, siguro na-guilty lang ako nang konti kasi umuwi siya all the way from Baguio dahil lang sa wala ako r'on. Ni-hindi nga niya napansin na maganda ang makeup ko."

Mabilis ang weekend, sa weekend na 'yon ay ka-chat ko si Marc, then si Nothing. Since Fist and Anisa are on the field trip.

Iniisip ko si Fist, naka-confess na kaya ang mokong?

Mabilis na lumipas ang araw.

At...

Na-basted si Fist sa field trip nilang 'yon.

***

" 'Aminin mo na lang kasi na gusto mo talaga ako. Pahatid-hatid pa, sino ka ba?" pagmamaktol ko kay Marc, niyaya niya kasi ako pauwi. Take note, nasa room lang ako at nakatingin sa pisara. Nag-iisip kung uuwi nang maaga or hindi.

" 'Di ba usapan natin na liligawan kita para lumayo na 'yong mga lalaki. Ayos naman eh, si Labo na lang ang natira. Tinakot ko na 'yong elementary "

Ang Labo na tinitukoy niya ay si Nothing. Actually Nothing and I, are now okay, I think basta kapag hindi ko naalala 'yong mga ginawa niya ay okay kami.

Nakakainis lang  sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang lahat... ang pagtalikod niya, ang pagdududa niya, at 'yong bulaklak.

Bukas ulit maiinis ako...

Wala siya ngayon. Dati naman hinahantay niya ako sa hagdan sa kabilang building but now... wala siya.

" Iyon na nga, ayos na, si Nothing na lang. Bakit tinutuloy mo pa?" tanong ko kay Marc.

"Ang sungit mo naman, 'Patid! Kilala ko ang mga lalaki, babalik sila sa oras na hindi na kita bantay sarado."

Na-cringe naman ako sa sinabi niya. Lumapit pa siya sa akin. "Tangina, ganito pala ang feeling na STEM student," aniya at komportableng umupo sa upuan.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon