29:Cry

28 8 0
                                    

A/n: Elope is tanan +marriage.

Cry
Hallyx's POV.



"You know, if you really love her then be masochist. You should be the one who recorded that corny-cheesy-scene; that's fifteen minutes. Or, you should be the one who sang the romantic song, that's just four minutes. Or! You should be the one who popped the confetti, it's just for a minute or two."

Habang sinasabi ni Nothing 'yan, nagui-guilty ako. Kung tutuusin siya lang naman talaga ang nanliligaw sa akin.

This day, this valentines. Ngayon lang ako napagod nang sobra. Kasi naman, kahit mismong design ng room ay ako ang namahala. Nasa akin kasi ang pera and as a treasurer ako ang namili at nag-budget. Isama pa 'yong pakulo ni Hilton, 'yong mga nakatagong pa-keme niya ay ako rin ang umasikaso.

Natatawa na lang ako actually, paano kapag nag-break sila? E 'di sira ang valentines nila? Bulok!

Natapos ang pa-program sa school namin, actually konting presence lang kay Mrs. Lucas tapos nagbigayan na kami ng chocolates at naghanda ng isang magandang song na walang-walang noong ball.

Pumasok si Hilton... tapos nakakapandiri na. Ayaw ko nang sabihin ang sumunod na nangyari basta nag- of-course-yes si Anisa. The end. Sila na, officially

Sa simula pa lang ng pakulo ni Hilton lumabas na si Fist, hahabulin ko sana pero ako 'yong naatasan na video-han ang nakakapan-stroke na eksena.

Kinilig talaga ako sa kanila, tinago ko lang. Na-cheesy-han kasi si Nothing. Ayaw niya pala ng gan'on?

E ano naman sa akin? Pfft!

Natapos ang araw at, oo,  nagpagabi akong umuwi. Saan pa ba ako tatambay? Sa room lang naman, nakatitig sa pisara. 

Wala lang, gusto ko munang namnamin 'yong chocolates na binigay sa akin. Actually puro babae ang nagbigay nito... 'yong ka-squad ni Anisa.

Syempre katulad nitong mga nakaraang linggo, hinatid ako ni Nothing pauwi.

Para ngang inuunahan niya talaga si Marc na gawin 'yon. Ginagawa niya kumpetensya! Natatawa na lang si Marc at sabi niya pahirapan ko pa raw si Nothing.

Pagkadating ko sa bahay ay nagbihis muna ako bago sana magluto ng pagkain. Wala si Ate Ella pero may mga luto ng pagkain. Kaya nagpahinga na lang ko. Sa gitna nang pagkalma ng mga muscles ko sa katawan ay tumawag si Pal.

Nangangamusta lang at nag-sorry siya kasi hindi raw siya makapagbigay. Nahiya pa naman ako.

"Pal, hindi mo naman ako resposibilidad,” sabi ko.  “At isa pa, pasalamat na lang talaga ako kasi kinakamusta mo pa ako. Basta Pal, ingat d'yan---"

"Daddy mo ba 'yan!?" sigaw ni kuya. May kasama 'yong nakakapaniyerbos na kalabog sa pintuan.

Daddy?

Sugar daddy? Nagpakain na talaga si kuya sa chismis sa labas.

Lasing si kuya at hindi niya kasama si Ate Ella.

Napatay ko kaagad ang tawag ni Pal at tumayo sa pwesto para maghain sa mesa.

Kinakabahan ako, kapag ang tao nasa ilalim ng impluwensya ng alak, nagiging iba sila. 'Yong iba tinutubuan ng halo, 'yong iba nagiging english major, 'yong iba sinasapian ng ka-dramahan, at syempre hindi mawawala 'yong iba na tinutubuan ng sungay.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon