Juvani ↓ 4: Happening

44 12 15
                                    


Happening
Juv's POV



How to break the heart of a boy? Ignore him. How to break the heart of a man? Give him false hope. How to break taciturn's heart? Ignore him after giving false hopes without knowing him... not even his name.

"Ano nga pa lang pangalan mo?"

Hindi ko alam kung atrium o ventricle ang masakit sa puso ko. Basta masakit, parang may matilos na kutsilyo na tumusok. Mga 3 cm.

Nasagot ko tuloy siya ng, "Nothing."

Akala ko kasi tinatanong niya ako kung okay lang ako or kung may problema ba ako.  Alam ko kasing bigla na lang nawala ang ngiti ko n'ong tinanong niya ang pangalan ko. Nothing talaga ang sinabi ko.

And it started, tinawag na niya akong Nothing.

Bumibili na siya ng kailangan niya at naroon ako para  panuodin siya, hindi ko inaasahan na kwekwelyuhan niyaa ko. Its late to realize that its wrong to seriously observe one person, kaya bumalik na lang ako sa gym.


"Where's the water, you are saying to be bought?" tanong ni dad sa akin makabalik.

Napakurap-kurap ako nang maalala na kaya pala ako pumunta sa store ay para kuno bumili ng tubig.

"We have water bottles here, right?" tanong ko na lang.

"‘Yon na nga anak, may litro-litro tayong tubig dito tapos sasabihin mong bibili ka?"

Napatungo ako at kinuha ang pagkakataon para punasan ang bubog ng salamin ko.

"I got my body right." Pag-iiba ko ng usapan. Diverting topic is not my thing and I think, I need to work on it. "And for my eyes, contact lenses are what I'm thinking right now."

Matagal na akong sinasabihan ni Mom na mag-contact lense ako, at pumayag na rin si Dad. Ako na lang talaga ang hindi may gusto. . . but now.

"Get a lenses, then. Sa katawan naman: hindi pa, hindi pa maganda. I demand abs," he said.

"Dad, the demand will be only supplied to my girlfriend," pagdadahilan ko. I know he's not serious for me to have ideal body. I know dad is already satisfied with the fact that I am interested in good lifestyle.

"O, c'mon son. Ayaw mo bang maging model ng brief?"

Nailing ako, at dahil hindi na masyadong nakakatuwa ang joke ni dad ay binalikan ko si Hallyx sa store. Habang tumatawid nga sa kalsada ay naisip kong itanong sa kaniya kung anong Academic Strand niya. I am expecting na STEM ang kuhanin niya dahil on demand ito.

Nang malaman ko kung anong strand niya ay nawalan ako ng gana. ABM siya. Nakalulungkot dahil balita ko ay by surnames ang sectioning. Kung STEM siya ay may malaking tiyansa na magkaklase kami dahil malapit ang apelyido namin.

I'm Ingresio while she is Ignacio.

Sa pinakahuli ng aming pag-uusap sa tapat ng store, ay ginago niya ako noong mag-condolence ako. Ayoko sanang isipin na yong Papa niya ang nawala ngunit ito lang naman ang mayroon siya.

Pamilyar sa akin ang papa niya dahil ilang beses ko na itong nakita. Sinasadya kasi nito si Hallyx sa school para magbigay ng pagkain o pera. Her Papa is quite old: On his 60's. At dahil doon, ay nakahinala na ako na hindi niya 'yon ama. Sa tingin ko ay 'yong pulis ang biological father niya.

Nang tuluyan ng makaalis si Hallyx dala ang pinamili,  ay nagtungo na ako pabalik sa gym. Nakita ni Dad kung sino ang kausap ko kaya panay tukso siya sa akin hanggang sa bahay.  Hindi na ako nagulat ng malaman ni Mom,  galit ito dahil doon: baka kung sino-sinong babae lang daw ang ina-admire ko.




White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon