13: Disappointed

26 9 0
                                    

Disappointed
Hallyx's POV

Hindi man ako nakatulong kagabi dahil sa mga ingay na likha ng kwarto ni kuya ay malakas pa rin ang energy ko para putulin ang aking esophagus para lamang maipakita ang suporta kay Anisa.

"Go, An-an! " sigaw ko. Napapalibutan ako ng mga ka-squad niya na nakasuot ng band-aid. Hindi naman revealing pero intimate para sa akin masyado. Naalala ko tuloy noong sumali ako pageant, umiyak ako kasi isusuot na 'yong swim wear, tapos sila... I love their confidence.

Anyway,

Napuno ng hiyawan ang lahat, bawat kumpol ng mga estudyante ay may hawak-hawak na banner ng kani-kanilang pambato. Nasa stage ang bawat kandidato at kandidata.
Nakahawak sila sa bewang, kanya-kanyang postura, chin-up ang face nilang may makapal na pawndaycion.

Si Anisa talaga ang umangat sa lahat, bawat hakbang ng mahahabang biyas, bawat galaw ng pwet, bawat ngiti, at bawat pose niya ay panalong-panalo. May isang portion pa at sa tingin ko ay doon na magkakaalaman kung panalo nga siya.

Si Fist naman ay kalma lang, kinakabahan naman daw talaga siya. Paano ko nalaman? Naka-usap ko siya bago umakyat sa stage.

Ito na ang pinakinakaabangang tagpo ng contest na ito.

"At dadako na po tayo sa Q and A portion," banggit ng host na isang guro sa ABM (sila kasi ang assign sa program)

Nagsimula na ang Q & A portion, maraming magandang sagot dahil madali lang naman ang tanong. Pa'ng-kinder lang  like, 'Anong paborito mong gulay at bakit?', meron pa'ng 'Kung papapiliin ka sa mga gulay na nasa bahay kubo, anong ang pipilitin mo at bakit?' Madali lang ang tanong pero ang tumayo sa maraming tao at magsalita ay nakakapandelibyo sa utak at puso. Masisi mo talaga ang kape kapag nangatal ka.

"Next, candidate number eleven."

Sumigaw ako dahil si Anisa na ang magbabanat ng Thalamus(o kung ano man 'yon). Ako ang kinakabahan sa kanya eh.

Ang laki ng ngiti ni Anisa, taas noo... tampal noo na lang kapag mali ang sagot niya. Wala namang maling sagot, opinion is still an answer. Heavy statement ? An answer. Not so heavy statement? Still an answer. It depends in how people will accept it.

Nakabunot na si Anisa ng jury na magtatanong sa kanya.

"Here's your question, how you will maintain your healthy body?"

Sumigaw naman kami ng ka-squad niya dahil ang gaan lang ng tanong. Syempre para maabala sila sa stage at makapag-isip pa si Anisa.

"Thank you for that question, Miss Mores. If...How will I maintain my healthy body?” pag-uulit niya ng tanong.   “I will... I will do jogging... exercising, healthy eating, playing...sports, dancing...praying and... and all of thing with ing. And I...." Huminto siya at huminga para sa buwelo na kanyang sasabihin. "—N. G. Thank you!"

Kailangan naming sumigaw pero nakatunganga kami. Naramdaman ko ang tulak mula sa likod na senyas upang sumigaw kaya't sumigaw kami na para bang worth a million ang sagot niya.

Natapos ang eksenang 'yon at halos maitago namin ang aming balat sa mukha. Pero hindi maari, dahil si Fist ay sunod na at kasama siya sa sinosuportahan namin. Sumigaw kami para sa kanya. Mas lumakas 'yon nang tumingin siya sa amin.

Siya na ang sasagot. Rule  minsan sa pageant na kapag tagalog ang tanong ay tagalog mo na lang sagutin. Ang nabunot ni Anisa ay English at kay Fist naman ay tagalog.

"Kung sagana ka sa gulay at prutas kanino mo ito ipagpapasalamat?"

"Maraming salamat po sa katanungan. Kung sagana po ako sa gulay at prutas, unang-una ko na pong papaasalamatan ang lumikha—” Napuno ng sigawan ang partido namin. Banal! "—siya na lumikha ng lahat at ni kahit kailan ay hindi po tayo pinagdamutan. Pangalawa po ang mga nagtanim at ang mga umani, mga magigiting nating magsasaka o maylupa, sila ang dahilan ng pagkain na ating nginunguya. Isama ko na rin ang mga nagbebenta, ang mga nagnenegosyo, silang nagproproseso upang mas mapadali ang paglapag ng gulay at prutas sa ating mesa."

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon