Hallyx ↓ 3: Nothing

63 14 16
                                    

Nothing
Hallyx's POV



Pakiramdam ko ay ako ang pinakaunang umuwi sa aming ball. Lahat kasi sila ay nagtanong kung ba't ako nawala. Pinangunahan naman ako ng iba na, "Maganda kasi kaya pinapauwi agad, strict ang parents."

Ako naman, sinakyan ko na lang. I let them think that way.

Mabilis natapos ang huling taon ng Junior High ko. Hindi naging madali dahil todo kayod akong masabayan lahat ng requirements. Gaya ng sa printing, sa aking kaibigan ako nakikiusap. Sa phone naman ay humihiram lang ako kay Baklit. Naging busy talaga ako dahil gusto kong makapagtapos na.

Kulang na lang talaga ay sa school ako tumira. Ayaw ko rin naman umuwi sa lugar namin na puro chicsmusa. Oo, chic sila at musa. Ibigay natin sa kanila ang titulong maganda at definition ng perpekto: Kung makalait parang walang sariling depekto.

Sobra na kasi 'yong chismis na kumakalat tungkol sa akin. At ano iyon sasabayan ko na lang sila? Isa daw akong prosti? Nang gagantso raw ako? Manggagamit? Gold d!gger? Nambubudol?

Ang cliché na nga n'on: Isa sa dahilan kaya ayaw kong sakyan siguro. I was very informed tungkol sa mga perception nila: may maganda at panget. And I was too busy to meddle with their thinking that's the truth.







"Kamusta, nagsaya ka ba? Ang ganda mo naman."

'Yon ang bungad sa akin ni Papa pagkauwi ko ng bahay noong Prom Night. Nakahiga siya sa maliit na papag. Pansin talagang nanghihina na siya. Kagagaling niya sa hospital ngunit bumalik kami sa pipitsugin naming bahay dahil gusto ni Papa na doon huling huminga.

"Oo naman, isinayaw ako ng maraming lalaki, 'Pa."

Sa sinabi kong iyon ay tumawa siya.

"Ingat n-naman anak sa mga lalaki, baka ang mapulot mo ay katulad ng iyong kuya."

Bahagya akong natawa at nailing.

Anong klaseng tao si kuya? Sabihin na natin na siya lang ang tanging may kwarto sa bahay dahil nakakahiya sa mga babaeng dinadala niya rito. Si kuya ay ang klase ng lalaki na paiba-iba ng babae at puro sugal. Mabait naman daw si kuya noon. Kaso dumating ako, hayun! Tinamaan ng kidlat ng dalawang beses sa noo, at tinubuan ng sungay.

"Kasalanan n'yo ni mama eh, nag-anak kayo ng maganda tapos hihigpitan n'yo ako. "

Akala ko tatawa si Papa pero hindi...

Nakalimutan kong ampon lang pala ako--- siyempre iyon ay ayon sa chicsmusa. I am not hurt kasi totoo 'yon. Wala nga lang agad na umamin sa akin na ampon ako. Pero alam ko sa sarili ko! Hindi ko naman sila kamukha, kahit si mama na pumanaw noong bungal na sanggol pa lang ako ay hindi ko kamukha. Well, sa kabutihan ay hindi naman niya pinaramdam na ampon lang ako, basta, alam ko lang.  Natuto kong tanggapin sa haba ng panahong pilit niyang itago.

"Mag-iingat ka lagi, anak. Si SPO1 Del Rosario na siguro ang magbabantay sa'yo. Pero. . . ang kuya mo. Minahal kita, Hallyx bilang anak ko. At ang kuya mo na anak ko, Hallyx, kahit papaano kailangan niya ng kasama. Ang kuya mong nakakatakot. . . mahina iyon. Huwag kang masindak, dahil alam ko kalaunan. . . mawawala ang puot sa kaniya at magiging tunay na malakas siya."

Ngumiti na lang ako kay Papa, at hinalikan siya sa noo. Samantala, nakita ko si kuya sa kwarto at himala na wala siyang babae sa kama. Inobserbahan ko talaga siya, upang malaman ang ganap niya sa araw na naghihinalo si Papa.

Pero doon ko nahinuha na si Kuya ay wala talagang pakialam sa paligid.

Tinanong pa niya ako noong makitang naka-make up ako ng gabing iyon. Ang sabi niya, " Oh? Bagong raket?"

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon