Special Chapter: Thorn

64 9 3
                                    

"Ikaw ang letrang H na nagdagdag sa bagong apelyido ko."

Dapat ba akong maging masaya dahil tuluyan na nga siyang nagbago? Hindi ba't nabanggit ko na sa kanya noon na kailangan niyang magbago para sa sarili niya at hindi para sa iba? Pero ngayon nagbago siya dahil binigyan muli siya ng pagkakataon. Buo na muli ang pamilya niya. Nagkaroon na siya ng kapatid na alam ko sa pagkakataong ito ay iingatan niya at proprotektahan.

Marc R. Espina. Napaltan ang apelyido niya nang ikasal ang mama niya. Mula sa maangas niyang apelyido na Rasgado, "Torn" sa Ingles ay naging Espina na, "Thorn" sa Ingles.

At oo, siya ang tinik ko. Ako na bulalak, ako na rosas na katulad lang ng isa sa libo-libong rosas pero piniling piliin ang pumili sa akin. Umasa sa umaasa sa 'kin. Ginusto ang gumugusto sa akin. Minamahal ang nagmamahal sa akin.

"Ang ganda."

Itinaas ko ang kamay para abutin ang buwan... pero hindi ko naabot. Ang layo. Ang hirap hagilapin.

Sobrang lamig pala ng hangin ng Baguio, ano? Pero sana sa hanging ding ito humihinga ang kapatid ko. Sana nandito nga siya.

Napawaksi ako sa iniisip nang may humawak ng kamay ko at binaba para bugahan 'yon ng mainit na hininga. Napangiti na lamang ako sa kanya.

"Marc," sambit ko.

"Ano? Magtatanong ka na naman? Hindi naman ako kasing talino niya," usal niya, napatingin na lang sa street lights na pinagtatambayan naming spot.

"Madali lang naman."

"Ganyang din 'yong sinabi mo bago mo ako tanungin kung bakit kailangang pakumparahin ang identical twins kung sa finger print pa lang nila ay magkaiba na," aniya.

"Last one na," usal ko. Bahagya naman siyang napatigtig. Bumuntong hininga at tumingin din sa buwan tulad ko.

"Magtanong ka na."

Lumabas ang ngiti sa labi ko at napatingin na lang ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa akin.

Lagi ko tinatanong ang mga katagang; "Kung hindi mo ako kilala, paano mo ako ilalarawan?" At hindi ako magsasawang tanungin iyon nang paulit-ulit.

Noon kasi mahalaga sa akin kung anong sasabihin ng iba. Kung anong nakikita nila sa akin ay 'yon ang ipapakita ko. Ngayon, natuto na ako. Gusto ko na lamang malaman kung anong pinagkaiba ng nakikita ng mata sa nararamdaman ng puso. Gusto kong malaman sa pamamagitan ng tanong na 'yon.

This time, I think pwede ko pa naman ding itanong 'yon, magiging kulang kasi kung wala ang tanong na iyan. Kapag parte na ang isang tao ng buhay ko ay required nang sagutin 'yon, tapos pagandahan na lang ng sagot.

Gusto ko pa rin ng taong matalino. 'Yong taong sasagot sa mga tanong ko....

'Yong taong handang magbigay ng sagot.

"Bakit hindi kita makikilala? Bakit kita ilalarawan? Bakit ko sasabihin sa 'yo?" sagot ni Marc.

At hindi 'yong sagot ay anyong tanong din...

"Kanina nga sabi mo sa akin maganda ang buwan. Buwan ang maganda pero sa akin mo sinabi," usal niya at napatitig na lang ako sa mukha niyang nakaharap at nakatitig sa buwan. "Kung gusto kitang ilarawan bakit ko sa 'yo sasabihin kung p'wede naman sa iba? Kasi alam mo na kung ano ka, pero 'yong iba, hindi pa. Kung hindi kita kilala, magagandang salita lamang ang maiilalarawan ko at kung puro magandang salita lamang ang ilalarawan ko sa'yo, sa iba ko na lang sasabihin, siguro ipagsisigawan pa," usal niya at bahagyang natawa. Nagpatuloy pa siya; "Nakakalungkot lang kapag nasabi ko na 'yon hindi ko na mababawi, tapos ikaw, yung katangian mo magbabago pa. Salita na lamang ang mga nanatili. Pero ako, gusto ko na... ako mismo ang manatili at hindi 'yong mga salita ko. 'Yong mga katangiang nailalarawan sa'yo tatak 'yon sa isipan mo, pero 'yong taong nagsabi ba n'on? Naisip mo? Naisip mo ba'ng tanging mata lang ang ginamit nila?"

"Kasi ikaw puso, puso ang ginagamit mo. Puso, hindi mo sinasabi pero pinararamdam mo. Marc, oo, ramdam ko," sambit ko sa isip.

Napatingin ako sa City at unti-unting napangiti. Siguro nga may mabagay na nakikita 'yong ganda pero kinakalimutang sabihin sa kanila. Bakit? Kasi una; hindi 'yong ganda ang habol kung 'di 'yong pakiramdam na palagay na. Pangalawa; 'yong ganda nagbabago pa. Sinabi sa iba pero sa mismong maganda ay hindi na. Pangatlo; walang tamang salita. Minsan ang maganda ay hindi literal na maganda, nasa mata ng tumitingin lang talaga.

I was once a boabobs but he came, and I turn into that rose...

Ako na rosas mula sa planetang B-612, ay may Marc Espina, natuto ng maraming bagay. Aminadong nakumkumplikaduhan sa takbo ng panahon pero masaya ako, na sa sunod ng ikot ng mundo, sa bawat lipat ng mga araw ay may tao ng nagproprotekta sa akin.

May mga tanong na paulit-ulit at totoong ang mga sagot ay iba-iba, nasa katauhan ko kung anong papakinggan ko at papaniwalaan ko.

I am who I am, I am starting to grow and I hope this time I will not destruct one's world and life.

I am maybe only woman like one of hundred thousands of other women but having his presence beside me is what will always make me special.




THE END

"Only with the heart that can see rightly, what is essential is invisible to the eyes." - Antoine de Saint Exupery, The Little Prince.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon