27: Placebo

27 8 0
                                    

Placebo
HALLYX'S POV.



Naniniwala akong tragic ang genre ko pero dahil nasa ganitong lugar ako, tahimik at kalmado, tiwalang-tiwala ako kay Nothing--- kaya nga ako hubad ngayon eh--- ay naging action genre 'to with subgenre of romance.

Paano? Bakit?

"You don't deserve that," mahinang sabi niya matapos kong i-kwento ang nangyari noong sinabi sa akin ni kuya na dapat ako na lang ang namatay. Alam na rin niyang kasalanan ko kung bakit nawala si mama. Pero ang sabi ni Nothing, 'bata ka pa n'on at ang magkasala nang hindi mo alam... ay ang parusahan ka nang hindi mo ramdam.' (Non verbatim). Hindi ko raw deserve 'to!

"E' ano ba'ng para sa akin?" tanong ko.

"Baka ako?" aniya at tumawa nang mahina.

With his wet look... tumawa siya.

Nandodoon na naman 'yong kakaibang pakiramdam. Ano na naman? Inggit, selos, at galit? Inggit kasi ang puputi ng ngipin niya. Selos, kasi ang lalim ng dimple niya na wala ako. Galit, dahil ang pupula ng labi niya.

Tumawa pa siya at kasabay n'on ang pamumula niya.

"You laughed," sabi ko na nakatitig lang sa nakangiti niyang labi.

Halo-halo na ang pakiramdam ko at hindi ko maintindihan. Alam kong hindi ako inggit, mas lalong hindi ako selos at wala akong karapatang magalit. Pero anong nararamdaman ko?

Nakatutok ang atensyon ko sa labi niyang nakatawa at sa ka-misteryosohan ng mundo ay lumapat ang aking kamao sa labi niya.

"What was that!?"

Napabalikwas ako sa narinig.

Tinanong ko pa ang sarili kung sinuntok ko ba talaga siya.

Nakita ko siyang nakahawak sa labi niya at kunot noo habang iniinda ang sakit.

"So-sorry, sorry! Sorry."

Totoong guilty ako. Birthday niya tapos susuntukin ko lang siya? Deserve niya ng regalo, na mas malaki sa puting krayola pero wala akong pera, kaya kami narito eh.

"It's okay. Accident happens all the time---"

This is not the first na ginawa ko ang bagay na 'yon. I mean, nangyari naman na hinalikan ko na siya at tinalikuran niya lang ako. Maybe this is my payback time sa ginawa niyang 'yon.

Yeah, I am convinced, I will play.

"Placebo effect," sabi ko matapos kong lapatan ang labi niya.

Tinalikuran ko lang siya at lihim na ngumisi. Maybe I can play a little? Ano kayang pakiramdam niya nang talikuran ko siya? Ano kayang itsura niya nang gawin ko iyon?

"Hal..." aniya na tunog kinulang sa hangin.

"Kiss will lessen the pain. Placebo effect,  simple example?  Hope it helps," ani ko habang nakatalikod sa kanya at nilalaro ang tubig.

Matapos kong suntukin, opo, hinalikan ko. Action shift to Romance. I know it hurts, that was really physical but the kiss will heal it. 'Mothers kiss, make it better'. I'm not a mother but I can kiss. The pain lessen because of the kiss, that is one of the example of Placebo Effect. Class dismissed!

Medyo ramdam ko na ang lamig kaya't gusto ko nang umahon sa tubig. Well, actually it was awkward. Sobrang tahimik na parang wala akong kasama.

Rumehistro sa utak ko na wala akong kasama...

Liningon ko kaagad si Nothing.

Napakurap-kurap ako nang makita ko siyang nakatayo lang. Nakapikit siya. Tumataas-baba ang balikat. Basang-basa ang suot niyang uniform. At pakiramdam ko ay galit siya, na parang pinipigilan niya ang sariling sugurin ako.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon