31: Essential

16 8 1
                                    


Essential
Hallyx's POV

"Si Hallyx po kasi! Ayaw umalis sa pwesto ko, gusto kasi laging katabi si Anisa!"

"E 'di ba sabi ko d'on ka sa tabi ni Juvani? Ayaw mo n'on? May nagagayanan ka na, ang bango pa ng hanging hinihinga mo."

Nakaupo ako sa harap ng desk ni Mrs. Lucas sa counselling room. Magkatapatan ang upuan namin ni Gorgen. Face to face?

"Stop it! You two girls, you should know your actions may reflect of who you are. Nandito kayo kasi hindi maayos-ayos ang classroom. Juvani's trying to make it organize tapos kayong dalawa ang sisira n'on? Dahil ano? Pinag-aagawan niyo ang isang upuan?"

Pagkatapos ng sermon ay nagpaliwanag kaming sabay ni Gorgen, nainis pa si Mrs. Lucas kaya't pinagsalita muna si Gorgen pagkatapos ay ang magandang si ako.

"Okay, Gorgen, you may now go."

Nakanganga ako habang tinitigang tumayo at maglakad si Gorgen palabas ng counselling room.

"Hallyx," malambot na saad ni Mrs. o Ms. Lucas. Mukha kasi siyang bata kaya nakakakonsensyang tawagin siyang misis. "Anisa is your friend, no doubt, but in learning it only needs your patience and mind. A teacher, not a friend."

"A friend can teach you, what teacher can not. Example number one; cheating—"

Napayuko ako nang titigan ako ni Mrs. Lucas nang masama.

"Friend in school can teach you a lesson; a learning. And I understand why you are so close with your friends, that makes learning so enjoyful."

"But!" Napaigtad ako ng bigla niyang tinaasan ang boses. "Hindi naman p'wedeng lagi na lang kayong magkasama, you have recess and lunch break. Bakit, hindi na lang d'on magchismisan, Ms. Ignacio?"

Mataray na ang tono ng boses niya at naka-cross na ang mga braso sa dibdib.

"Sabihin mo sa akin, may problema ba kayo ni Juvani? Ayaw mong umupo sa tabi niya, tama?"

Napalunok na lang ako sa tanong na halatang sapol, bullseye!

"Si Juvani rin ang pumupuna na wala kayo sa tamang pwesto. Ibig sabihin n'on ay gusto ka niyang makatabi."

Halos lumubog ako sa aking kinakaupuan dahil sobrang tumpak ni Ms. Lucas.

"Mababaw lamang po," sabi ko. Sa lahat ng kasinungalingan ko dito ko talaga naiisip na magkumpisal. Paanong mababaw?

Mababaw na umaapaw?

"Mababaw?"

" 'Yong away namin ni Juvani po," usal ko.

"Kung ganoon nga, wala ako sa lugar para makigulo sa kababawan ng away niyo, tama ba?" tanong niya at tumugon naman ako. "Kung ano man 'yan, sana ay siguraduhin niyong ma-a-ayos. Hindi lang ako ang nakakapansin maging ang buong klase o baka pati ang karatig klase... na may gusto sa'yo si Juvani."

"Hala, parang tanga," usal ko sa isip.

"Gusto mo ba'ng ipatawag si Juvani—"

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon