9: Halted

30 11 0
                                    

Halted
Hallyx's POV

Nakaka-miss umiyak. Kailan nga ba 'yong huli? Three or four months ago. Prom night, naka-makeup pa ako n'on. Hindi ko alam kung kula ba o kolorete ang nilagay noong baklang kinuha ni Papa at hindi natanggal ang kagandahan ko noong gabing 'yon.

Gusto ko nga ulit umiyak. Naalala ko si Papa... Wala lang, usapang July; nutrition month. Tuwing ang ulam namin sa bahay ay gulay, si Papa lagi ang nag-u-udyok sa akin na kumain nito. Awan ko lang, kapag dinadamay kasi ni Papa ang mga magsasaka—kinakain ko na berdeng hiyas ng lupa.

Ayaw ko talaga sa gulay kaso may mga pagkakataong hindi na nakatingin ang cornea ng mata ni Papa eh, si kuya naman 'tong dinedekwatan ako ng karne. Kaya 'yon, gulay ang natitira sa plato ko. Ayaw ko nang isumbong si kuya. Mapapagalitan lang siya.

"—Hernandez, Garcia at Filimon," banggit ni Faye, na aming butihing sekretarya.

Mga apelyido 'yon ng mga kasali sa jingle. Ako naman 'tong napatayo dahil wala sa nabanggit ang pangalan ko. Hindi ako kumakanta pero mahilig ako sa kanta. Hindi ako sumasayaw pero kumpleto pa ang buto ko.

Nagsimula na akong kwestiyonin sila at saktong walang kasali sa creative writing kaya't nagpresinta na ako. May mapipiga naman sa aking creative juices. Hindi ko lang sure kung paanong ilapat sa papel.

"Ang ingay."

Natigilan ako nang sabihin 'yon ni President Nothing. Ngayon nga lang siya nagtagalog infront of class....  Minsan, kapag nagtagalog siya ay parang hindi rin niya alam ang sinasabi niya. Kaya... parang nagkasundo ang mga utak naming magkakaklase na mas okay na English speaking na lang siya.

Natahimik ang buong klase at kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magsalita.

"E 'di, 'wag na! Kapag bumagsak ako, mumultuhin kita."

May marinig akong tawanan. Bumigat ang pakiramdam ko n'on kasi naman... seryoso ako. Hindi nila napansin. Hindi nila narinig, walang nakadama!

I'm living with my kuya, only with my kuya. Si Baklit and si SPO1 Pal ay mga suporta ko. Nabubuhay ako sa mundo sa pamamagitan ng pagtrabaho at pag-raket. Para lahat 'yon sa pag-aaral ko.

Rampa para may ma-i-baon.

Suot ng makakating damit para may pambayad sa project.

Pose sa camera para sa pera na ipapantustos sa sarili.

Ganoon.... ganoon ang nasa utak ko.

Umiikot ang mundo ko sa pag-aaral at kapag nawala 'yon baka— baka tamadin na lang akong mabuhay. Ano pa'ng gagawin ko? 'Yon na lang ang mundo ko tapos masisira pa sa ganitong hindi ako sinasali sa school activities.

Multuhin ko talaga sila pagna-dedo ako.

Alam kong pinaglalaruan lang ako ng depressed kong utak kaya't huminahon ako at naki-sabay na lang sa kagaguhan ng mga kaklase ko. Nainis pa nga ako. May love team kami!

Na-tanga ko na lang si President Nothing. Ang talino kaya niya at kung nabebenta ang braincells e, manginginig si Bill Gates. Well, malay ba natin mas lalong yumaman si Bill gates.

Usapang matalino, lilikod muna ako. Si Nothing ang i-u-una ko. Syempre medyo close na kami. Nakakapagtanong na nga ako sa kanya ng kung ano-ano. Lahat naman nasasagot niya maliban na lang d'on sa tanong ko na, 'If I am dumb and numb, who will like me?'

Hindi ako sinagot! Wala siyang sagot! Day-off ata ng utak niya.

So, that's it!  Close na kami at sa kasagsagan ng ilang activities ay medyo lumuwag naman ang schedule namin.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon