23: Masochist

27 10 0
                                    

Masochist
HALLYX'S POV

"You are an entertainer?"

Ilang klase ba ng entertainer ang meron sa mundo? Oo. Tama kasing dami ng alam kong expletive.

Mula sa kanya ang tanong. Nasasaktan ako kasi... nandodoon 'yong katotohanan na nagdududa siya. Isama na rin 'yong katotohanan na iniiwasan niya ako dahil may nalaman siya tungkol sa akin.

Nagulat nga ako kagabi, ang bungad ba naman sa'kin sa text ay 'Who are you?' akala ko joke. Sasabihin ko sana 'Hi, I'm Batman.' with matching husky voice na parang hinugot sa lupa ang tono. Puro pa ako n'on kalokohan pero... sumagi sa isip ko si Hilton--- na baka nga sinabi na niya sa kanya ang lahat kaya napapa-question na lang si Nothing sa kung sino talaga ako.

Sino ba ako? Once upon a time, isa akong palaka na hinalikan ng prinsipe, naging tao pero kapalit n'on ay ang pagiging tulog mantika ko at sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom ay magigising ako. Nangyaring nagising ako dahil sa karayom, ang dugo n'on ay pumatak sa isang prutas kaya't naging kulay dugo ito. May isang bruha na sumulpot at nakita ang prutas na tinawag niyang mansanas. Kapalit ng masanas ay binigyan niya ako ng sapatos na gawa sa bubog. Nilakad ko ito, ilang saglit lang ay may pumatid sa aking halimaw na prinsipe. Binigyan niya ako ng rosas bilang peace offering. At ... at... Ako talaga si Batman.

Hallyx: I'm a rose in B-612.

Mukhang hindi pa niya nababasa ang librong 'yon. Tama nga siguro. Ilang beses ko na siyang sinabihan ng Nothing! Nothing! Nothing! Invisible! Invisible! Wala eh. Siguro, akala niya 'yong B-612 ay iyong camera app.

Kasalanan ko naman talaga, dapat noong una pa lang ay tinama ko na ang mga maling akala nila sa akin. Pero nandoon 'yong hirap at takot na baka mag-iba 'yong tingin nila. Isama talaga 'yong hirap na ikwento ang lahat-lahat.

Nahihirapan ako sa buhay at mas nahihirapan akong sabihin pa 'yon sa iba para ano? Kaawaan?

Hindi ko na rin alam kung saan ba talaga ako natatakot, hindi ko mawari kung bakit. Ang angas kong makaasta minsan pero hindi ko naman iniisip 'yong iniisip ng iba. Siguro sa estado ng buhay lang talaga ako hindi mapakali at ayaw kong malaman ng iba. Bakit nga ba? Isa na r'on na ayaw kong minamaliit ako dahil hindi naman talaga ako basta lang. Alam ko naman ang mga kaya kong gawin, pero! Pero hindi ako perpekto kagaya nang iniisip nila. Nasanay na nga akong mamuhay sa kung anong iniisip nila, na bahala na, kung ganyan ako sa tingin mo... e 'di ganyan ako. Negative man o positive. Pangalawa, baka malaman nila ang lahat ng tungkol sa akin. Baka makalkal nila lahat ng katotohan sa akin kasama na rin 'yong ampon ako, na hindi ko pamilya si papa, wala sa landas si kuya, at si Pal na ni-isang patak ng dugo ay hindi naman namin kaano-ano pero tinutulungan kami. Sobrang daming issue na lumalabas. Ayoko. Ayoko. Tama na 'yong ako na lang ang nakakaalam at ilang kapit bahay. Ayokong madamay si Pal.

Wala dapat na tunay na makakilala sa akin.

"Alam mo, matalino ka, alam mo na 'yan." Hindi ko nga alam kung ano ibig kong sabihin sa  sinabi ko.

Siguro ayon, napapagod na ako sa mga bagay na binibigay sa akin na hindi naman akin. Iyong hindi nila ako mabasa pero sila na mismo ang nagbibigay ng sariling interpretasyon sa akin.

Akala ba ni Nothing ay prosti ako? O baka, akala niya costumer ko si Pal? At tinanong niya rin ako kanina kung leader ba ako ng mga batang ng so-solvent. Sinabi kong oo, kasi oo naman talaga. 'Yong ibang bata na tinuturuan ko, ilan r'on ay nagso-solvent kahit hindi na nila aminin ay alam ko. Unti-unti ko silang pinapatigil. Kailangan rin naman kasi 'yong may nakikinig sa kanila. Kailangan nila ako. Kailangan nang iintindi sa kanila. Alam ko na ginagawa nila 'yon para hindi magutom--- kasi wala naman silang pagkain. Ginagawa nila 'yon para hindi matulog dahil wala naman silang bahay o kahit kartong mahihigaan. Alam ko, alam ko lahat ng 'yon pero hindi ko kinukunsinti.

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon